As always! Madaling araw na naman nakauwi si Rikardo galing
> sa inuman at lasing na lasing. Pagdating nya ay tulog na ang
> kanyang misis kaya tumabi nalang sya sa kama at natulog na
> rin.
>
> Kinaumagahan, Sa muling pagmulat ng mata ni Rikardo ay
> nakita nya na ang katabi ay isang lalaki, bigla syang
> nagulat at bumangon!*
>
>
> Rikardo: Sino ka! At ano ginagawa mo dito sa Kwarto namin?!
>
>
> San Pedro: Huminahon ka Rikardo. Hindi ito ang kwarto nyo
> at ako ay si San Pedro
>
>
> Rikardo: Ha? Kung ganon patay na ako!
>
>
> San Pedro: Ganon na nga iho.
>
>
> Rikardo: HINDI! HINDI ITO PWEDE! Ang dami ko pang hindi
> nagagawa ang dami ko pang naiwan sa mundo! Maawa ka San
> Pedro pabalikin mo ako sa
> lupa kahit manlang para makapagpaalam sa mga mahal ko sa
> Buhay!
>
>
> San Pedro: Teka Huminahon ka. Hindi ka na pwede bumalik
> bilang ikaw pero pwede kita I reincarnate bilang isang
> inahing manok o bayawak!
>
>
> Rikardo: mmmm kung bayawak baka mapatay uli agad ako.
> Inahing manok nalang po San Pedro, pero ilagay nyo po ako
> dun sa bukid namin para maging malapit ako sa pamilya ko!
>
>
> San Pedro: OK pagbibigyan ko ang kagustuhan mo
>
>
> At muling nabuhay si Rikardo bilang isang inahing manok.
> Nakita nya ang sarili na puno ng balahibo at kasama nya ang
> ibang mga inahing manok sa bukid nila. Kinausap sya ng isa
> pang inahing manok na si Susy
>
>
> Rikardo: Whew, isa na akong manok ganito pala ang feeling.
> Teka bakit parang umiinit ang tyan ko at kumukulo?
>
>
> Susy: Ikaw ba yung bagong manok dito? Ganyan talaga ang
> pakiramdam kapag malapit ka na mangitlog. Magrelax ka lang
> at hayaan mo syang
> dumaloy.
>
>
> Rikardo: Ano? Mangingitlog ako!!. Oo nga pala inahin nga
> pala ako kaya normal lang siguro yun.
>
>
> Kahit medyo kinakabahan si Rikardo ay sinunod nya si Susy
> at nailabas nya ang unang itlog. Matapos mailabas ang itlog
> ay gminhawa ang pakiramdam ni Rikardo.
>
>
> Rikardo: Wow ganito pala ang pakiramdam ng mangitlog,
> napakasarap! Ngayon ko lang naramdaman ito, Para akong isang
> ina na nagsilang ng sangol napakasarap, ngayon ko lang
> naramdaman ito....Pero teka bakit parang meron pa?
>
>
> Susy: Hwag ka mag-alala di tulad ng tao, tayong mga manok
> kaya natin mangitlog ng isa hangang walo, kaya magrelax ka
> lang at hayaan mo silang lumabas
>
>
> Rikardo: Ganon ba? O sige. Maraming salamat Susy! Hindi ko
> maintindihan ang nararamdaman ko pero totoong nakaka-antig
> ng damdamin.
>
>
> At muli nanaman nagitlog si Rikardo. Gumaan muli ang
> pakiramdam nya. Napangiti at nasabi nya sa sarili nya na ito
> ang pinakamasarap na naramdaman nya sa buong buhay nya kahit
> na noon namumuhay pa sya bilang isang tao, Halos mapaluha
> sya sa galak. Naghahanda na sanang ilabas ni Rikardo ang
> pangatlo nyang itlog ng biglang may matigas na bagay na
> pumalo sa ulo nya at may narinig syang malakas na sigaw.
>
>
> Misis: Hoooy ! Gumising kang Demonyo ka! Bakit
> ka tumatae sa kama !!!