Main Board index  
Author Message
ryanvillasenor [quezon] Hindi Mayaman ang OFW
Posted: Tue, 4/14/09 12:36 PM
 

Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. ..
Maaaring makapamulat ito upang lalong maintindihan ng ilan angtunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot tayong aral dito. (May Ganon?!)

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad aymayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from PhP 20K – P100Kper month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or U.S. siguro ay masmalaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maramingbunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa
Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuitionng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW - Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap angpagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo, sardinas, instant noodles at itlog lang ang binabanatan para makaipon. Pagdating ng suweldo, ang unang tinitingnaneh ang conversion ng peso sa dollar o riyal o dirhams o euro. Mas okay na magtiissa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baonkahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o
naghihintay sa probinsya. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFWka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at minsan umaabot pa sa punto na sisiraan ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mgaPinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination totheir various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang minsan, kasikawawa naman pamilya 'pag bumalik ng Pinas.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Pilipinas ngayon.Mahal ang bigas, ang gatas, ang gaas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis
lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walangnag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibug, kahit pangit ang workingconditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okayna, isang tawag lang, "hello! kumusta na kayo?"..

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine.Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip atnagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionallyo spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita natin, marami ang panotat kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension,
coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to workthinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad,20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay parin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya - ang anakadik o “naano” lang; ang asawa may kabit o kaya baon sa utang dahil sa mga di makatarungang luho o bisyo. Naalala ko tuloy ang sikat nakanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"
Well, sa totoo lang, hindi naman lahat ng kuwento ng OFWs ay puro pang-teledrama, may mga kuwento rin namang masasaya.

Bayani ang OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na na-realize na bayani angOFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad niRizal o Bonifacio. Nasa ibang level nang pagpapakabayani ang sinusuong araw-araw, mas maraming giyera at gulo angpinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangangsuungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama satrabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista osenador sa Pilipinas dahil sa takot na mawalan ng suweldo..

Matindi ang OFW - Matindi ang Pinoy. Matindi pa sa daga, o mga ipis which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ngautograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap o sinawimpalad! ). Madalas nasasidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of tears. Kapag dumarating, swerte 'pag may sundo (well, in fairness, madalas meron). Kapag naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.. .. much worse, baka pati sarili mong pamilya ay mawala na rin...

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng pangat-long init na para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than
favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang swerte nila...

Matatag ang mga OFW – Talagang matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung anopang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations atcounter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alamkailan magbabago ang Pilipinas at mga Filipino, higit lalo sa mga nakaupo sa gobyerno natin na pawang pang-sariling kapakanan lamang ang kanilang iniisip... Kailan nga kaya?  May tsansa pa ba?

Alam mo.... Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Natutulungan mo sila sa mga assignments o projects nila o di kaya ay gumawa ng paraan sa kanilang mga “problema.” Siguro sa simpleng pakikipag-bonding sa pamilya ay heaven na ang feeling.
 
Masarap kumain ng kangkong o talbos ng kamote na may sawsawang bagoong tapos naka-kamay, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka.
 
Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago, drama o comedy o kahit yung kilig-kiligan. ..
 
Iba pa rin ang pakiramdam kung kilalamo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Pinas, iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo (well, as a matter of fact hindi naman talaga lahat, lalo na yung mga kupal at utak-talangka) , iba pa rin 'pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Kahit nasa “emo” stage ka at may kakornihan o kabaduyan ay ayos lang, maya-maya lang ay magtatawanan na o magkakantahan.
 
Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." "Mingaw na ko nimo ba,kalagot!" , " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba." O di naman kaya ay “Ay ayatenka.” Iba pa rin talaga.

Sige lang, tiis pa, saan ba't darating din ang pag-asa. So, despite the fact na maraming kaganapan sa paligid natin ay sinasalungat ito, sa gitna nang kalungkutan at manaka-nakang kahinaan, and despite being almost convinced at this moment that nothing will even get better, we cannot lose the one thing that keeps us alive: hope! And by GOD's grace everything will fall into its right places.
 
Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka!
 
by: Marlon of KSA



eddieidioma Re: [quezon] Hindi Mayaman ang OFW
Posted: Wed, 4/15/09 2:51 PM
  ang masasabi ko lang sa OFW, pag di sila marunong humawak ng pera, yung ofw at pamilya e walang mangyayari sa pinaghirapan nila, ako e 12 taon sa saudi,  7 sa riyadh (saudi ceramic) at 5 sa yanbu (SIDC) sa ngayon e retire na ako ng mag resign ako due to the request ng misis ko. kahit papaano e nakakaraos. napansin ko kasi nagyon sa mga OFw, pagka alis ng  OFw, maluho na ang naiwan kahit nagbabayad pa ng utang. kaya nagbabakasyon na ang oFW e me utang pa. kundi kaya e nakabayad na. kaso, during bakasyon maibebenta na ang naipundar na alahas, ibang gamit at bago bumalik e nakautang na naman. ang pagtaas ng presyo e kasma yan sa takbo ng buhay. di lang sa pinas yan. buong mundo yan. kahit diyan sa saudi e kasamang tumataas ang gasolina. maari ngang me dagdag dito sa atin. negosyo yan. noong araw diyan sa batha riyadh, bibili ka ng kamatis e dagdag ubas na isang tangkay. ngayon ba kaya pa nil;a yun? di na di ba?
kasi nga malaki na puhunan. kaya gandahan ang hawak ng pananalapi at para makaipon. pag nakaipon e kahit makainisan mo ang amo mo e makakauwi ka ng maluwag sa loob. di tulad ng walang ipon. dun naman po sa maraming walang trabaho kaya napunta sa ibang bansa, sori po uli, maraming napunta sa abroad na umalis sa work dito sa atin. hindi walang work. kaya nauso ang salitang brain drain. kung meron man e di lahat. yung mga doktor, nurse, engineer, technician,factory workers at marami pang iba. marami e gusto lang lumaki ang kita.di ba. payo lang po. dun sa mga nagaakalang mayaman ang ofw, depende po yun sa OFW. sadik ryan, sariling pananaw lang. sukran!


ryanvillasenor Re: [quezon] Hindi Mayaman ang OFW
Posted: Wed, 4/15/09 3:50 PM
  Keif halik, Sadik Eddie!

Mabuti nman po para sa yo Ginong Eddie at nakasama mo na ang iyong pamilya na araw-araw pinapangarap ng bawat OFW kung kaya nga naging dahilan ng tinatawag nating homesick...

Totoo po depende sa OFW kung aangat o mananatili sa dating estado ng buhay ang isang OFW at malaking factor po diyan ang mga naiiwan sa Pilipinas. Sa  labindalawang  taon ng inyong pangingibang bansa hindi mo po maikakaila sa akin (sensya na po) na hindi niyo naranasan ang pagtitipid na katulad ng mga nabanggit ko para lang sa maalwang buhay ng mga mahal sa Pilipinas dahil yan naman po talaga ang objective ng bawat OFW, ang isang maginhawang buhay. Kung hindi niyo po naranasan ang magtipid sa ibang bansa salamat  po at naiiba kayo sa amin...

Maraming salamat po sa inyong pagbibigay ng opinyon...

eddieidioma Re: [quezon] Hindi Mayaman ang OFW
Posted: Wed, 4/15/09 5:22 PM
  di lang tipid ang ginawa namin ng misis ko. sobrang tipid. at di maluhong buhay. tulad ng nasabi ko, maluhong buhay ang iniisip ng mga naiwan pag umalis ang OFW. sigurado na ang dating celpone e magiging bagong modelo. isa yan. ang mga anak e sa private school na ipinapasok at dating walang binabayaran na service e ikukuha pa. yan b a ang sinasabi kong buhay ng pamilya ng OFW. kaya naman napagkakamalan na mayayaman ang OFW.ay yung umuuwi (di ko nilalahat) parang pinupulot lang ang pera pag naghanda sa mga kaibigan. maipakita lang na me pera. yun naman tao na nakakita iisipin na mayaman nga ang OFW. salamat ng marami at sana maging matalino ang lahat sa paghawak ng salapi, nasa abroad man o wala. tulad ng nasabi ko , pansariling pananaw lang po.


oaoabel Re: [quezon] Hindi Mayaman ang OFW
Posted: Thur, 4/16/09 12:28 AM
  Tama ang inyong sinabi. Sa eskuwelahan namin e mahihiya ang cellphone ng mga faculty members kapag ihahanay sa phones  ng mga estudyante na may parents o kapatid na mga OFW.  Talagang mga latest models ang mga cellphones nila.


eddieidioma Re: [quezon] Hindi Mayaman ang OFW
Posted: Thur, 4/16/09 12:35 PM
 

sabagay, di lang naman yung relatives ng ofw ang ganun. dito nga sa amin, makaporma lang e kahit nangungupahan lang e bumibili o naghuhulog ng brand new FORD car. imagine. hahahaaha, yan ang style ng buhay ngayon. kanilang buhay yun, napaguusapan lang po. sori po. dina uulit pumuna sa iba. sensiya ulit.

 

ryanvillasenor Re: [quezon] Hindi Mayaman ang OFW
Posted: Thur, 4/16/09 1:25 PM
 

siguro talagang me kanya-kanyang kasiyahan ang tao, sabi nga po "kung san ka masaya ti suportahan ta ka!" wala na po tayong magagawa kung ano ang gusto nilang gawin sa buhay nila at baka masabihan lang tayo na nangingialam. ..wag lang sila uutang sa tin ng panghulog nila, hehehe!

Sa mga OFW, payo ko lamang po...hindi po bawal ang magsabi ng HINDI PWEDE sa mga kamag-anak natin na humihingi ng magarang celfone na kagaya ng sinasabi ni Miss Olive, at kung ano-ano pang luho na pwede nmang wala o iyong simple lamang...

 

  back to top  
     
     
powerpoint presentation