Dog Show 2011

INAANYAYAHAN ang lahat ng mahihilig sa aso! Sa Pandaigdigang Selebrasyon ng Araw ng Rabis 2011, ang pinaka-hihintay na palatuntunan ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo, ang DOG SHOW 2011, ay gaganapin sa 28 September 2011 sa Perez Park Grounds sa ganap na ika-2:00 ng hapon, at tulad ng dati, libre ang registrasyon.
Ang timpalak na ito ay bukas sa lahat ng nag-aalaga ng aso anumang lahi o breed, lalung-lalo na ang ating sariling lahi o “Aspin” (Asong-Pinoy) na may sariling kategorya. Bihisan ang mga aso ng costume o ipamalas ang talento ng inyong mga alaga para sa espesyal na araw na ito para sa kanila.
Ang mga kategorya ay: Aspin, Asong Pasyonista at Talentadong Aso. Maraming mga premyo ang naka-abang para sa 1st, 2nd, at 3rd na pinaka-magaling sa costume at talentong ipamamalas. Mga espesyal na regalo ang naka-abang sa lahat ng sumali mula sa mga sponsors :Royal Canine, Simon Enterprise, at Tryco kaya lahat ng sumali ay siguradong hindi uuwi ng walang dala.
Ang patimpalak na ito ay para kilalanin ang pinaka-matalik na kaibigan ng tao at ang tamang pangangalaga sa kanilang kalusugan.
