Anti-Rabies Vaccination Pinalawig sa Lalawigan ng Quezon
Patuloy ang malawakang pagbabakuna ng “Anti-Rabies” sa Lalawigan, upang maiwasan ang paglaganap at makontrol ang sakit na Rabies.
Sa kasalukuyang may 25,112 aso na ang nabakuhan ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo sa Pamumuno ni Dr. Gerald C. Montierro. Pinaigting din ng Tanggapan ang pagbibigay inpormasyon ukol dito upang higit na malaman ang importansya ng pagiging responsabling mag-aalaga ng aso at malaman ng publiko ang dulot na panganib sa kalusugan kung sakaling makagat ng asong may sakit na rabis.
Kaisa ang Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo sa pagdiriwang ng “World Rabies Day” sa darating na September 28, 2011 at magsasagawa ng Iba’t-ibang gawain na may kaugnayan sa hinahangad na “Free Rabies Quezon by 2020”.
