Double AA – NMIS Accredited Slaughter House Pinasinayahan sa Bayan ng Sariaya
July 26, 2011 from Office of the Provincial Veterinarian | 0 Comments
Noong nakaraang Mayo ay nagdaos ng dry run at inagurasyon ng bagong tayong Slaughterhouse sa Brgy. Tumbaga I, Bayan ng Sariaya.

Ayon kay Dr. Gerald C. Montierro, Officer-In-Charge ng Pro-Vet Office, malaki ang kahalagahan ng isang accredited Slaughterhouse sa larangan ng industriya ng paghahayupan. Ang karne at ibang produkto mula sa hayop ay malayang maipagbebenta at mailalabas ng lalawigan kung kinatay sa isang Accredited Slaughterhouse.
Naitayo ang Bahay Katayan, sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Sariaya, Tanggapan ni Congressman Irvin Alcala at ng Provincial Government sa patnubay ng Tanggapan ng Panlalawigan Beterinaryo at ni Gov. David “Jayjay” C. Suarez.
