Agri-Tourism Exposition Idadaos
Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-133 kaarawan ni Manuel L. Quezon, ang Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng Panlalawigang Turismo ay magkakaroon ng Agri-Tourism Exposition na may temang NIYOG: Kabuhayan ng Quezon…Quezonian Magkakausong. Ito ay isang linggong punong-puno ng mga gawain mula ika-15 hanggang ika-20 ng Agosto 2011 sa Perez Park, Capitol Compound, Lungsod ng Lucena.
Magkakaroon ng Best Booth Competition na naglalayong ipakita ang iba’t ibang produktong pang-agrikultura at ang lawak ng industriya ng pagniniyog sa ating lalawigan. Dagdag pa rito, magkakaroon din ng sportsfest, livelihood seminar at PINAKA-Contest para sa iba’t ibang produktong pang-agrikultura at pangisdaan. Narito ang Takdang Gawain para sa buong linggo.
PROGRAM OF ACTIVITIES
|
AGRI-TOURISM EXPOSITION |
||
|---|---|---|
| August 14 | Ingress | |
| August 15 | 2:00 pm | Opening of Agri-Aqua Trade Fair Exhibit |
| August 16 | 8:00am-10:00am | Grand Parade |
| Opening Program/Awarding of Provincial Gawad Saka Winners | ||
| Pinaka-Contest | ||
| 10:00am-5:00pm | Farmers and Fisher Folks Day (Sport Fest) | |
| August 17 | AFC’s Day | |
| August 18 |
Business Opportunities Seminars/Launching of “May Pera sa Bunot” Program |
|
| August 19 | 10:00am | Medalya ng Karangalan |
| 2:00pm | Awarding of Best Booth | |
| August 20 | Closing Program/Egress | |