Paggagawad ng Gantimpala sa mga Nanalo sa Gulayan sa Paaralan Seaspm 1, Idinaos

 

Lucena City - Idinaos ang awarding ceremony para sa mga nanalo sa Province-wide Gulayan sa Paaralan sa bulwagan ng Queen Margarette Hotel noong ika-25 ng Hunyo 2011. Iginawad ang mga gantimpala sa pangunguna nina Gobernor David C. Suarez; Bise-Gobernador. Vicente J. Alcala; RED Abelardo R. Bragas-DA RFU IVA; Kgg. Danilo E. Suarez–Congressman, 3rd District; Kgg. Irvin M. Alcala– Congressman, 2nd District at mga kinatawan ng Congressman mula sa 1st at 4th District na sina G. Zaldy Gariguez at Atty. Tobby Tañada. Kasama rin sina Gng. Gloria P. Potes–Superintendent, DepEd (Quezon Division) at Panlalawigang Agrikultor Roberto D. Gajo sa paggagawad ng mga gantimpala.

 

Nag-uumapaw na kagalakan ang naramdaman ng mga taga Abuyon Elementary School, San Narciso, Quezon nang makuha nila ang unang gantimpala (Provincial Level) na isang (1) milyong halaga ng proyekto sa Season 1 ng Gulayan sa Paaralan. Samantala, nakamit naman ng San Roque Elementary School mula sa bayan ng Calauag, Quezon ang ikalawang gantimpala na P750,000.00 halaga ng proyekto at pumangatlo ang Sampaloc National High School, Sampaloc, Quezon na nagkamit ng P500,000.00 halaga ng proyekto. Ang mga nabanggit na gantimpala ay nagmula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon. Tumanggap rin ng Certificate of Participation  ang mga aktibong nakilahok at Certificate of Appreciation naman para sa mga Municipal Agriculturists ng kani-kanilang bayan.

 

Ang mga sumusunod naman na mga paaralan ang nanalo sa District Level na may gantimpalang P750,000.00 halaga ng proyekto para sa unang puwesto, P500,000.00 para sa ikalawang puwesto at P250,000.00 halaga ng proyekto sa ikatlong puwesto. Ang mga premyo sa District Level ay nagmula sa mga Congressman ng tatlong distrito.

 

District 1

1ST-      Sampaloc National High School          -           Sampaloc , Quezon                           

2ND-      Kilogan Elementary School                 -           Patnanungan, Quezon

3RD-      Malicboy West Elementary School     -           Pagbilao, Quezon

District 3

1ST-      Abuyon Elementary School                 -           San Narciso, Quezon                         

2ND-      Villa Aurora Elementary School         -           Buenavista , Quezon

3RD-      Elias Salvador National High School   -           Agdangan, Quezon

 

District 4

1ST-      San Roque Elementary School            -           Calauag, Quezon                   

2ND-      Lamon Bay School of Fisheries           -           Gumaca, Quezon

3RD-      Angeles Caglate Elementary School   -           Alabat, Quezon

Matapos ang paggagawad ng parangal sa mga nanalo sa Gulayan sa Paaralan Season 1, pinasinayaan at inilunsad naman ang Gulayan sa Paaralan Season 2. Tunay na kinasasabikan ng mga paaralan sa lalawigan ng Quezon ang Province-wide Gulayan sa Paaralan dahil sa napakalaking tulong na naibibigay nito sa mga nanalong paaralan at mga mabuting naidudulot nito sa mga mag-aaral. Ayon na rin kay Gobernador David “Jay-jay” Suarez, malaki ang naitutulong ng programang Gulayan sa Paaralan sapagkat hindi lamang natututunan ng mga mag-aaral ang pagtatanim ng gulay kundi natututunan din nilang kumain nito upang manatiling malusog ang kanilang pangangatawan.

 

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang ilang mga bokal, mga guro, punong-guro at school supervisors ng DepEd mula sa 4 na distrito ng Quezon. Nakiisa rin ang mga punongbayan, konsehal at Municipal Agriculturists ng bawat bayan.


Comments (0)

Comments powered by Disqus