Paggagawad ng Gantimpala sa mga Nanalo sa Gulayan sa Paaralan Season 2, Idinaos

 

Lungsod ng Lucena- Idinaos ang awarding ceremony para sa mga nanalo sa Season 2 Provincewide Gulayan sa Paaralan sa bulwagan ng Queen Margarette Hotel noong ika- 18 ng Hulyo 2012. Iginawad ang mga gantimpala sa pangunguna ni Gob. David C. Suarez, kasama sina Board Member Victor A. Reyes- Chairman, Committee on Agriculture, BM Alona V. Obispo at BM Rachel Ubana- Chairman, Committee on Environment.  Kasama rin sina Dr. Tolentino G. Aquino- OIC Superintendent, DepEd (Quezon Division), Provincial Administrator Romulo M. Edano at Provincial Agriculturist Roberto D. Gajo sa paggagawad ng mga gantimpala.

Nakuha ng Villa Aurora Elementary School, Buenavista, Quezon ang unang gantimpala (Provincial Level) na isang (1) milyong halaga ng proyekto. Samantala, nakamit naman ng Niing Elementary School, San Antonio, Quezon ang ikalawang gantimpala na P750,000.00 halaga ng proyekto. Pumangatlo ang Tanuan Elementary School, Plaridel, Quezon na nagkamit ng P500,000.00 halaga ng proyekto at pang-apat naman ang Paaralang Elementarya ng Lucban 4 (PEL4) na nagkamit ng P250,000.00 halaga ng proyekto. Ang mga nabanggit na gantimpala ay nagmula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon. Tumanggap rin ng Certificate of Participation ang mga aktibong nakilahok at Certificate of Appreciation naman para sa mga Municipal Agriculturists ng kani-kanilang bayan.

Ang mga sumunod naman na mga paaralan  ang nanalo sa District Level na may gantimpalang P750,000.00 halaga ng proyekto para sa unang puwesto, P500,000.00 halaga ng proyekto para sa ikalawang puwesto at P250,000,00 halaga ng proyekto sa ikatlong puwesto. Ang mga premyo ay nagmula sa mga Congressman ng apat na distrito.

District 1: 1st- Paaralang Elementarya Lucban 4- Lucban, Quezon; 2nd- Talipan National High School, Pagbilao, Quezon; 3rd- Liwayway Elementary School- Mauban, Quezon. District 2: 1st- Niing Elementary School- San Antonio, Quezon; 2nd- Morong Elementary School- Sariaya, Quezon; 3rd- Antonio Annex Elementary School (San Mateo)- Dolores, Quezon. District 3: 1st- Villa Aurora Elementary School- Buenavista, Quezon; 2nd- Recto Elementary School- General Luna, Quezon; 3rd- Madagoldol Elementary School- San Francisco, Quezon. District 4: 1st- Tanuan Elementary School- Plaridel, Quezon; 2nd- RT Camacho Elementary School- Alabat, Quezon; 3rd- Guinayangan Central Elementary School- Guinayangan, Quezon.

Matapos ang paggagawad ng parangal sa mga nanalo sa Gulayan sa Paaralan Season 2, pinasinayaan at inilunsad naman ang Gulayan sa Paaralan Season 3.

 Dumalo rin sa nasabing pagtitipon si G. Felix Joselito Noceda, Chief- Technology Generation, Department of Agriculture bilang kinatawan ni Gng. Vilma Dimaculangan, OIC- Regional Executive Director, DA RFU IVA, mga guro,punong- guro at school supervisors ng DepEd mula sa 4 na Distrito ng Quezon. Nakiisa rin ang mga punongbayan,ilang konsehal at mga Municipal Agriculturist ng bawat bayan. (ATHERNANDEZ, OPA- Information & Training Unit)

 

 

 


Comments

Comments has been disabled for this post.