QLCCI FORGED TIES WITH GOVERNMENT FOR 1QBC |
The Quezon-Lucena Chamber of Commerce Inc. (QLCCI) recently forged ties with the Quezon Provincial Government and The Department of Trade and Industry to organize, showcase, and stage the 1st Quezon Business Conference - or simply called 1QBC. This first-time ever gathering of the entire business community of Quezon is slated to commence on 25th until the 26th of September this year at the Quezon Convention Center in Lucena City.
Moves to get this 1QBC concept from the drawing boards to its eventual realization was initiated and lobbied by our very own QLCCI President Melencia U. Dael, QLCCI Past President Honorata V. Po, and QLCCI adviser, Department of Trade and Industry Provincial Director Marcelina S. Alcantara to Quezon Governor Rafael P. Nantes to help see through the realization and success of the event.
“It is my earnest belief that the public and the private sectors of our society must first unite together and hand-in-hand work like individual components of one big mechanism in order to accomplish and achieve genuine economic and social growth and development in our society,” Dael said. “This is how it should be done and this is how we get the job done,” she stressed.
Confident with the support the QLCCI will be getting from the Provincial Government of Quezon, our local chamber prexy foresee this business assembly to eventually set the tone and bring about, in due course, aggressive market activities to boost commerce and trade in Quezon.
“The idea behind 1QBC is more than a grand gathering of businessmen and those with interests in commerce and trade here in the province. It is through this opportune event where we can market and promote Quezon as the viable and competitive investment destination,” Dael said. “This is the very reason why we wanted so much for our provincial government, through Governor Nantes, to be at the forefront of this significant event,” she added.
“Through 1QBC, there is now sufficient reason to attract investments here in our province. It is here where we can inform potential local and foreign investors alike not only of the advantages of our province as the right investment find but as well as of the opportunities and incentives that are up for grabs in doing business here,” Dael explained.
QLCCI adviser Alcantara on the same time pointed out 1QBC to be the exact venue to proudly showcase our Quezon-made products as there will be a 3-day Regional “One Town–One Product” Trade Exhibit and Franchise Trade Show to go along with the event.
“This trade fair, she says, will commence starting on the 24th to the 26th of September and it will be a marketing tool to facilitate linkages with private and public financial institutions to provide SMEs, BMBEs and Cooperatives’ access to financial support and likewise serve as a venue for market-supplier interface trading.”
“Aside from the marketing and promotion of our province during the event, 1QBC offers programs to promote the establishment and development of small and medium enterprises—including the barangay micro business enterprises and the cooperatives as well—being the indicative sector that would spur economic growth and development here in our province,” Alcantara indicated.
1QBC, a 2-day business event, is a complimenting linked affair to the 1-day Regional OTOP Trade Exhibit, which showcases the best homegrown products from the municipalities of the provinces in the CALABARZON region.
“We fervently hope and pray that through this 1QBC Event and through the assistance and support of the Quezon Provincial Government, the business community here in our province will finally achieve and realize what we all businessmen and investors alike have all longed for, and that is for active business activity and a surging economy in Quezon,” said Dael in parting.
(The Quezette) |
| |
| INVESTMENT |
| GOB. NANTES NAGKALOOB NG JETMATIC PUMP SA “69TH YEAR ANNIVERSARY” NG AGDANGAN, QUEZON |
ABRIL 2, 2008, LUNSOD NG LUCENA – Bukod sa panawagan ng pagkakaisa upang umunlad ang lalawigan ng Quezon, nagkaloob si Gobernador Raffy P. Nantes ng anim na Jetmatic Pump sa limang barangay ng Agdangan, Quezon, kaalinsabay ng pagdaraos ng ika-69 na Anibersaryo ng nasabing bayan kahapon, Abril 1, 2008.
Ang limang barangay na napagkalooban ng anim na jetmatic pump na may kasamang mga tubo ay ang mga barangay ng Kanlurang Maligaya, Silangang Maligaya, Ibabang Kinagunan (2 pirasong jetmatic pump), Silangang Calutan at Barangay Poblacion.
Itinampok sa unang bahagi ng okasyon ang isang parada sa buong bayan ng Agdangan, habang nagkaloob ang Guest Speaker na si C/Supt. Charlemagne Alejandrino – PNP Director for Logistic ng isang Police Patrol Car para sa nabanggit na bayan na sinundan ng announcement/awarding ng mga nanalo sa “Search for Healthiest and Cleanest Barangay.”
Sa ikatlong bahagi ng okasyon ay itinampok ang mga palaro katulad ng marathon, palo sebo, agawang buko, agawan sa biik, tug-of-war, sack race at centipede, habang sa dakong gabi ay nagkaroon ng patimpalak sa larangan ng pag-awit na inorganisa ni Hon. Gina Batholomi at lahat ng mga konsehal ng bayan.
Pinasalamatan nina Mayor Rhadam Aguilar at Vice-Mayor Juancho Parafina si Gob. Nantes dahil sa nauna na nitong pagkakaloob ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P50,000. (PGOmb/TSM/NB) |
|
| |
| Gob. RPN, Inangking Anak ng Gumaca, Quezon |
14 Nobyembre 2007 Gumaca, Quezon- Ipinagdiwang ang ika-425 taong pagkakatatag ng Bayan ng
Gumaca at kapistahan nitong Nobyembre 13,2007 , sa ilalim ng patron nito na si San Diego De Alcala.
Kaalinsabay nito ay ang Gawad Pagkilala kay Gobemador Raffy P. Nantes bilang "Adopted Son of
Gumaca, Quezon" na handog ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Mayor Joy Cabangon, bilang
pagtanaw ng pasasalamat para sa Ama ng Lalawigan sa pagkakaloob nito ng tulong partikular sa patuloy
na pagsasaayos ng patubig sa munisipalidad.
Sa pagtanggap ng naturang pagkilala, nagpasalamat si Gobemador Nantes sa mga taga-Gumaca sa
mainit na pagtanggap nito sa kanyang liderato. Kasunod nito ay ang pagtalakay naman niya sa pagtaas
ng bilang ng mga isda sa municipal waters ng lalawigan, na tumaas na ng 34% bunga ng masidhing
pagtuon ng atensyon ni RPN laban sa illegal fishing.
Ipinahayag din ng Gobemador na dahil siya na ang kasalukuyang chairman ng Regional Development
Council ng Calabarzon, ang Quezon naman aniya ang makapipili at makapaglalagay kung saan dapat
ilagay ang mga proyekto ng Pangulong GMA sa lalawigan. Bukod dito ay ang pagtalakay ni Nantes sa
kagandahang dulot ng pagtatanim ng 'jatropha' sa pangkabuhayan ng mga mamamayan; at ang kanyang
priority programs na " ATE" (Agriculture & fisheries, Tourism, Economic Enterprise) kung saan
naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng pondo para sa mga pinuno ng barangay at bayan, upang
gamitin sa pagpapalago ng , economic enterprises' sa kanilang nasasakupan.
Bilang pagtatapos ay muling humingi ng paumanhin si Gobemador Nantes sa mga nagsasagawa ng
illegal fishing at illeg"allogging ng puno ng niyog dahil sa kanyang matinding kilos laban sa mga ito sa
buong lalawigan, sapagkat naniniwala si RPN sa wika ni Mahatma Gandhi na "kapag ang nakasalalay ay
kapakanan ng higit na nakararami, ito ang iyong kampihan, at hindi ka maliligaw".
Samantala, matapos ang pananalita ay nagkaroon ng panunumpa sa tungkulin ang mga miyembro ng
Gumaca Tourism Council, kung saan si Merlinda Oliveros ang siyang Chairperson. Kasunod nito ayang
pagbibigay ng pagkilala sa mga 3 termers na barangay kapitan at kagawad ng bayan ng Gumaca.
BTUASON/PGO/PIMO |
| |
| Gov. RPN, bagong CALABARZON RDC Chairperson |
| PEO, nagbigay-ulat sa flag-raising ceremony |
12 November 2007 Lungsod ng Lucena -Nahirang kamakailan bilang chairperson ng Regional
Development Council o RDC ng buong Calabarzon area ang Ama ng Lalawigan ng Quezon na si
Gobernador Raffy P. Nantes.
Ang naturang RDC na pamumunuan ni Gob Nantes ay ang konseho ng mga gobernador ng Quezon,
Calamba, Laguna, Batangas, at Rizal, na siyang nagpaplano ng pagpapaunlad sa mga lalawigang ito.
Ayon kay Provincial Administrator Aristeo .Flores, ito aniya ay makapagbibigay ng adbentahe sa mga
taga-Quezon sapagkat mas mabilisang matutupad ang pangunguna ng lalawigan at pagtupad sa
masidhing adhikain ng gobernador na "Pilipinas -Quezon Naman!"
Samantala, binilgyang-diing muli ni Gobernador RPN itong flag-raising ceremony ang agarang
pagsasa-batas ng Provincial Investment and Incentive Code, kung saan nagtatakda ng mga patakaran at
polisiya sa bahagi ng imbestor at sa sistema ng pagnenegosyo sa Quezon. Sa pamamagitan aniya nito ay
mas lalong dadaloy at aangat ang ekonomiya ng lalawigan.
Binanggit ding muli ng Gobernador ang pagsasakatuparan ng Provincial Investment and Trade Center,
kung saan itatampok dito ang mga maipagmamalaking produkto mula sa iba't-ibang bahagi ng Quezon.
Ang itatakdang isang sentro ng kalakal na ito ay makapagdudulot ng economic development sapagkat
mamo-moniltor ang pagpasok ng investors, job generation, local skills improvement, at increased
revenue para sa lalawigan.
Samantala, ayon naman sa Provincial Engineering Office o PEG sa pamumuno ni Engr. Cesar Palayan,
handa na para sa implementasyon ang iba't-ibang proyekto ng tanggapan gaya ng rehabilitasyon ng
Quezon Provincial Capitol Building, ang nagsasaayos ng Governor's Mansion, at ang completion ng
power supply sa Quezon Convention Center. Higit pa dito ay ang pagsasakatuparan ng ilang proyekto sa
lalawjgan na sasailalim pa sa bidding, kagaya ng source development project para sa Candelaria
Municipal Water Supply System, improvement and expansion of Gurnaca Water Supply System,
rehabilitation of Polilio-Burdeos Provincial Road, bukod sa iba pang serbisyo para sa buong Quezon.
BTUASON/PGO/PIMO |
| |
| "Local Investment Code kailangang ipasa at isulong" - Gob. Nantes |
| 2nd Provincial OTOP Congress, idinaos |
| |
08 Nobyembre, Lungsod ng Lucena -"Local Investment Code ang kinakailangang ipasa
at isulong upang ang mga mamumumuhunan ay pumunta sa Lalawigan ng Quezon". Ito
ang idiniin ni Gobemador Nantes sa isinagawang 2nd Provincial OTOP Congress
na idinaos sa Queen Margarette Hotel ng lungsod na ito.
Sa isinagawang pagtitipon, kung saan binibigyang halaga ang mga maipagmamalaking
produkto ng Quezon sa ilalim ng programang One Town One Product {OTOP}ay nakita
at iprinisinta ang mga produkto ng ilang bayan sa lalawigan.
Ang OTOP ay isang priority program ni PanguIong Arroyo upang matulungan ang mga
local entrepreneurs at magkaroon ng hanap-buhay lalo na sa mga kanayunan. Ang
nasabing programa ay ipinatutupad ng Department of Trade and Industry sa pangunguna
ni Provincial Director Marcelina Alcantara.
Binanggit din ng Ama ng Lalawigan na ang OTOP ay naaayon sa kanyang mga flagship
programs na pawang tumututok sa Agrikultura at Pangingisda, Turlsmo at Economic
Enterprise. Ayon din sa kanya, dapat suportahan din ng mga mayors ang pag-papaunlad
ng mga produktong loeal. Kaugnay nito ay ipinaalam niya ang paglalaan ng P500,000
para sa mga munisipyo at P25,000 para sa mga barangay upang gamitin sa product
development.
Kasabay ng pagkakaroon ng Local Investment Code, binanggit din ni Gob. Nantes ang
pagtatayo ng Provincial Investment and Trade Center kung saan matatagpuan ang mga
OTOP products ng lalawigan at masisilbing one stop shop para sa mga nais magnegosyo
sa lalawigan.
Tampok din sa okasyon ang pagbibigay pagkilala sa Best OTOP SME na nakuha ng
Mallari Distillery ng Tayabas para sa produktong Lambanog, Best OTOP LGU na
ipinagkaloob sa Bayan ng Mulanay para sa produktong Uraro Cookies. Ipinakilala rin
ang Best OTOP Practices ng Bayan ng Dolores para sa kanilang Salabat, Bayan ng
Mulanay at Catanauan { uraro cookies} Calauag { seaweeds } , Guinayangan {processed
milkfish} , Padre Burgos { raffia} , Mauban at Sampaloc {buri craft } , Lucban
{langgonisa}at Lucena City {tinapa}. Ang 2nd OTOP Congress ay dinaluhan din ni DTI
Regional Director Marilou Toledo, ilang punong bayan, iba't-ibang Small and Medium
Enterprises, mga kinatawan mula sa national agencies at provincial offices.
Isinagawa naman ang isang OTOP workshop sa ikalawang bahagi ng pagtitipon kung
saan tinalakay ang OTOP Credit Facility at OTOP Marketing.
/PGO-gmayo |
|
|
| |
|
| SPECIAL COVERAGE |
Protecting Consumers
DTI-Quezon Celebrates Consumer Welfare Month |
DTI-Quezon has continuously conducted year-round activities that are intended to empower and educate consumers. DTI believes in the dicturm “a well-informed and vigilant consumer is the best protected consumer.”The office has already conducted lecture/briefings about the Eight (8) Basic Consumer Rights and Five (5) Consumer Responsibilities. Fair Trade Laws like price tag, price act, business name, no return no exchange policy, and product standards were discussed to increase awareness of consumers on how should they be treated by businessmen.About 1,352 individuals have participated in the lecture/briefing series including students, public school principals, barangay leaders, SK federation and other public officials.
DTI-Quezon even conducted briefings on the licensing and registration of 82 real estate brokers and 73 real estate salesmen. The purpose of said briefings were to professionalize the members of the real estate industry so they could serve the consumers better.
Lectures on consumerism and fair trade laws are now being conducted in barangays. It was started in Barangay I and XI which will continue to other barangays in the City of Lucena. The consumer groups in all barangays of Lucena will be federated which in turn will be accredited by the Sangguniang Panglunsod ng Lucena to become the sole voice of consumers in the city.
To increase the participation of the students in the celebration of consumer month an “On-the-spot Poster Making Contest was held last October 7, 2008 at McDonalds Quezon Avenue which were participated in by Philippine Tong Ho Institute, Manuel S. Enverga University Foundation, Calayan Educational Foundation, Inc., Holy Rosary Catholic School, Sacred Heart College and Maryhill College.
The theme “Leading the consumers towards efficient lighting for a brighter future” was taken from President Arroyo’s 2008 SONA where “Kung mapapalitan ng fluorescent ang lahat ng bumbilya, makatitipid tayo ng lampas P2 billion.”
First Prize winner was Therese Andrea F. Javier of the Holy Rosary Catholic School; Second Prize winner was Christa Ann J. De Ramos of Sacred Heart College and the Third Prize winner was Prince Albert P. Salvahan of Manuel S. Enverga University Foundation. The artworks of participating schools would be displayed at McDonalds Quezon Avenue branch.
The judges for the said contest were Mr. Pablito Glodoviza, a comics illustrator, interior designer and industrial designer; Ms. Leney Laygo, Information Officer III, Provincial Information Management Office-Quezon; and, Engr. Joselito Bunyi, Division Chief-Agricultural Extension Division of the Office of the Provincial Agriculturist-Quezon.
DTI-Quezon made a round of supermarkets also to monitor the presence of banned products from China. Supermarket owners/managers were warned about the products because of the melamine content which caused kidney failure among Chinese children who reportedly used the milk.
In Gumaca, Quezon, Councilors Aida Dysanco, Ruvilon Juancho Mercurio, and Rodolfo Bañal together with Ms. Fe Oribiana, President of the Consumers Group of Gumaca visited stores that carried products allegedly coming from China. SB members ordered the store managers to remove or not to carry stocks with Chinese characters not translated in English or Pilipino because it could not be understood by local buyers.
Councilor Dysanco, Chair of the Trade and Industry Committee, said that she will file a resolution requiring stores not to carry products that are deemed to be health hazards and whose labels are written in characters that are not understood by consumers.
In the same light, Vice Mayor Celso Arit of Lopez, Quezon will request the Committee Chairperson on Trade and Industry to pass a resolution requiring stores to carry only goods whose label correctly identifies the content of the product.
Walk-in clients at DTI office may also read information about products that are negative and positive with melamine especially those that underwent BFAD testing. |
50 KILONG PAWIKAN, IBINALIK NI GOB. NANTES
SA KARAGATAN |
ABRIL 2, 2008, LUNSOD NG LUCENA – Sa layuning mapangalagaan ang mga yamang dagat at mga “endangered species”, ibinalik sa karagatan ni Gobernador Raffy P. Nantes ang isang pawikan na nahuli ng isang mangingida sa Barangay F. de Jesus, Unisan, Quezon kahapon.
Ang pawikan na isang “Green Turtle Specie” ay tumitimbang ng 50 kilo. Itinurn-over ito sa Municipal Agriculturist Office (MAO) ng mangingisdang kinilalang si Leopoldo Valenzuela.
Pagkatapos lagyan ng tag ang pawikan, pinakawalan ito ng Gobernador kasama si Unisan Mayor Cesar Alpay, Vice-Mayor Arturo Constantino at Municipal Agriculturist Mrs. Sonia Generoso.
Pangalawa na ang pawikang nabanggit sa pinakawalan ni Gob. Nantes sa bayang ito. Noong Pebrero 19, 2008 ay ibinalik sa karagatang sakop ng Barangay Ibabang Kalilayan ang isang 45-kilos na Green Sea Turtle.Ayon sa pinuno ng Bantay Dagat na si Esmeraldo Pampilo, madalas na napapadpad sa karagatan ng Unisan ang malalaking pawikan dahil sa kakaibang temperatura ng tubig at kagandahan ng ilalim ng karagatan dito na nakakaengganyo sa mga endangered species sa katubigan. (PGOmb/TSM) |
| |
|
| |
LOPEZ, QUEZON BINISITA NI GOB. NANTES: PINANUMPA ANG MGA BAGONG OPISYAL NG 2 DISTRITO AT PINASIGLA ANG
1,500 MGA TRICYCLE DRIVERS |
Namahagi rin ang Gobernador ng mga tropeo, mga gamot at nagbigay ng kasiguruhan na magkakaloob ng pondo sa bawat barangay gayundin sa asosasyon ng mga nagta-tricycle.
Ang Distrito Sampaguita na pinamumunuan ni Kagawad Edmundo P. Chan bilang hepe ay binubuo ng mga barangay ng Calantipayan, Manguisian, Mal-ay, Pansol, del Pilar, Sta. Lucia, Sugod, Sta. Teresa, San Jose, Jungo, at Guihay ang unang tinungo ni Gob. Nantes na dito ay ipinaalam niya ang kanyang mga programang pangkaunlaran.
Kasunod nito ay nagtungo sa Magnolia District ang Gobernador at pinanumpa din ang mga bagong opisyal ng distrito na binubuo ng mga Barangay ng Hondagua, Matinik, Bagacay, Lourdes, Mandoog, Sta. Maria, Roma, Guites, Begajo, Concepcion at Sta. Jacobe.
Naging masigla sa kabuuan ang magkasunod na okasyon lalo pa ng ianunsyo ni Gob. Nantes na ang mga barangay ay makakatanggap ng P25,000.00 na Financial Assistance sa Pamahalaang Panlalawigan.
Nagkaroon din ng bagong sigla ang nasa 1,500 miyembro ng Motorized Association of Lopez (MOTRIAL) nang magbigay kasiguruhan si Gob. Nantes na magkakaloob ng pondong nagkakahalaga ng P50,000.00 oras na maging Multi-Purpose Cooperative ang Asosasyon.
Ang Gobernador ang naging panauhing tagapagsalita sa isinagawang pagpupulong ng 50 Board of Directors ng MOTRIAL na binubuo ng 24 na asosasyon sa buong Lopez, Quezon na pinamumunuan ni Danilo Navarro.
Sinamahan si Gobernador Nantes ni Mayor Isaias B. Ubana II at ilang konsehal ng bayan sa ginawang pagbisita nito sa nabanggit na bayan. (PGOmb/TSM) |
| |
| 18-Day Campaign to End Violence Against Woment, kasalukuyang iniimplementa |
27 Nobyemre 2007 Lungsod ng Lucena - Inoobserba ngayong panahon na ito ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women, na may temang "Kaligtasan ng Kababaihan Laban sa Karahasan, Tungkulin ng Bawat Mamamayan". Nagsimula ito mula Nobyembre 25 at magpapatuloy hanggang Disyembre 12, 2007 sa buong bansa.
Ang naturang kampanya ay sa pamamagitan ng Provincial Gender And Development Council o PGADC sa pangunguna ni Gng. Ofelia Palayan, at sa pamumuno ng Chairperson nito na si Gobernador Raffy P. Nantes at ng Co-Chairperson Gng. Betty B. Nantes, kasama din ang mga Municipal GADC.
Ang naturang kampanya para sa kapakanan ng mga kabataan at kababaihan ay sa bisa ng Presidential Proclamation 1172, kung saan idineklara ang panahon mula Nobyembre 25 (International Day to Eliminate Violence Against Women) hanggang Disyembre 12 (Anti-Child Trafficking Day) ay mapapaloob sa 18-Day Campaign. Ayon kay Gng. Ofel Palayan, bahagi rin nito ay ang General Assembly ng Quezon MOVE representatives mula sa bawat bayan ng lalawigan sa pangunguna ni Vice-Mayor Panganiban ng Padre Burgos, upang mapalawig ang kanilang kaalaman ukol sa karapatan ng kababaihan, bukod pa sa pag-recruit ng mga bagong kasapi ng MOVE. Bahagi rin ng 18-day campaign ay ang International Human Rights Day na idadaos naman sa Disyembre 10. Ang mga ito ay upang maipaabot sa mga mamamayan na ang Violence Against Woment (Republic Act 9262), at ang Child Trafficking (Republic Act 9208) ay mga anyo ng Human Rights Violation at mayroong mga katapat umano na kaparusahan.
Samantala, bahagi ng Anti-Child Trafficking Awarenes Commemoration Day na gaganapin mula Disyembre 10-12, magkakaroon ng kampanya para sa kamalayan ng mga kabataan ng mga kabataan samga sumusunod na paaralan:
Dec. 10 - SLSU Lucban
Dec. 11 - QNAS
Dec. 12 - QNHS
Bandang hapon naman ng Disyembre 12 ay magdadaos ng Motorcade mula QNHS patungo sa Perez Park.
Ang naturang 18-Day Campaign to End Violence Against Women ay sa pagtutulungan ng Provincial Governor's Office - Provicnial Assistance for Community & Sectoral Development (PGO-PACSD), Prov'l Attorney's Office (PAO), Prov'l Gender And Development Office (PGAD) at ng Prov'l Social Welfare and Development Office (PSWD).
BTUASON/PGO/PIS |
| |
|
| |
| SPORTS |
| |
| Kabataang Atleta ng Quezon, nagkaharap muli sa Provincial Meet 2007 |
| |
28 Nobyembre 2007 Infanta,Quezon - Idinaos ang Provincial Meet 2007 ng Lalawigan ng Quezon mula Nobyembre 23 hanggang 27 sa Infanta Central Elementary School, isang taunang panlalawigang palaro para sa mga kabataan mula sa elementarya at sekondaryang paaralan ng mga bayan ng Quezon.
Nagkaroon ng makulay na Grand Sports Parade ng mga atleta, coaches, chaperons, mga delegado at mga opisyal ng palaro. Sa idinaos naman na programa bilang pormal na panimula ng provincial meet ay nagbigay ng pananalitang pagtanggap si Dr. Nenita Rutaquio, District Supervisor ng Infanta District para sa mga panauhin, gayundin ang Municipal Mayor ng Infanta Quezon na si Mayor Filipina Grace America. Matapos nito ay ipinakilala naman ni Elizabeth De Villa, Education Supervisor I- MSEP/MAPEH, ang mga delegado mula sa iba't-ibang paaralan.
Samantala, nagbigay naman ng masiglang pagbati para sa mga manlalaro ang Ama ng Lalawigan Gobernador Raffy P. Nantes, kung saan nagbigay siya ng mga inspirasyunal na pananalita para sa mga kabataang atleta. Gayundin naman ay nagbahagi ng kanyang pagbati si Congressman Mark Enverga, Representante ng 1st District sa mga naroroon.
Matapos nito ay tinurn-over ni G. Emilio Ulpindo, Principal IV-QNHS, ang Palarong Quezon Flag kina Dr. Rutaquio at Mayor America. Sumunod naman ay pinangunahan ni Gobernador Nantes ang pagtataas sa Division Flag, kasama ang Schools Division Superintendent Glora Potes - CESO VI, Assistant SchoolsDivision Superintendent Teresita Reynoso at si Dr. Gerardo De Villa, OIC - Ass't. Schools Division Superintendent, In-charge of Sports & Cultural Affairs.
Bahagi pa rin ang naging opening ceremonies ay ang pagtataas ng Unit Color ng Unit I, II-A & B, III, at IV. Ang pagsisindi naman ng Flame of Peace, Unity and Friendship ay isinagawa ni Oliver Atentar, 3rd Placer sa Athletics ng STCAA 2007. Ang Palarong Pambansa Medalist na si Aphrodite Magbanlac ang nanguna sa Oath of Amateurism, at ang Division PESS Supervisor na si Elizabeth De Villa naman ang nanguna sa panunumpa ng mga Meet Officials.
Sa pagwawakas naman ng pambungad na programa, isinagawa ni Superintendent Potes ang Formal Declaration & Formal Opening ng Palarong Quezon 2007 at ang Signing of the Master Schedule, bilang hudyat ng pagsisimula sa naging masiglang Quezon Provincial Meet 2007.
BTUASON/PGO/PIS |
| |
| Sports sa Lalawigan, patuloy na pinapatupad |
13 November 2007 Lucena City -Dumalo ang mga kawani ng Provincial Sports Office o PSO, sa
pamumuno ni Quezon Provincial Sports Director Wilner Garcia, sa nakaraang 2007 Joint Sports
Stakeholders' Summit sa pangunguna ng Philippine Sports Commission nitong Nobyembre 9, 2007.
Ang naturang summit ay dinaluhan ng tanggapan bilang bahagi ng preparasyon para sa magiging
direksyon ng sports program ng Quezon mula taong 2008 hanggang 2010.
Samantala, patuloy na umaatikabo ang labanan sa basketball ng mga koponan sa Governor's Cup 2007
na hatid rin ni Gobernador Raffy P. Nantes, kung saan ay nasa Quarterfmals nang yugto sa Quezon
Convention Center. At ang isa naman sa pinakatampok na palaro na gaganapin din sa QCC ay ang
darating na PBA Games sa Disyembre 1. Ang mga maghaharap sa petsang iyon ay ang Coca-Cola
versus Sta. Lucia, at ang Ginebra versus Alaska. BITUASON/PGO/PIMO |
|
| |
| INFO-TECH |
| Quezon Provincial Assessor's Office, nagbigay-ulat |
3 Disyembre 2007 Lungsod ng Lucena - Nanguna ang Quezon Provincial Assessor's Office, sa pamumuno ni G. Porfirio P. Magnaye, sa lingguhang flag-raising ceremony ngayong Disyembre 3. Sa pakikipanayam kay G. Magnaye, ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng kanyang tanggapan ay ang kasalukuyang "Tax- Mapping" ng mga bayan ng buong Quezon, kung saan nagpapasalamat aniya siya sa buong suporta na ibinibigay naman ng Ama ng Lalawigan na si Gobernador Raffy P. Nantes.
Ang sinasabing "Tax-Mapping" sa bawat 39 na munisipalidad ng lalawigan ay isa umanong sistema ng computerization, kung saan ito'y kumpletong imbentaryo ng bawat impormasyon ukol sa "real property" o ari-arian. Ipinahayag ni G. Magnaye na kapag naka-install na ang ganitong uri ng sistema na kaugnay din umano sa Geographic Information System (GIS) ay magiging mabilis at madali umano ang pagkilala sa mga ownerships ng real property parcels at lang classifications, upang mabatid ang "sum total" o kabuuang land area ng lalawigan, at upang mapagbuti ang "revenu base" ng mga Local Government Units o LGUs partikular na sa real property tax.
Idinagdag pa ni Magnaye na bukod dito, isa ring prayoridad ng kanilang tanggapan ay ang kanilang proposal na magsagawa ng 'general revision of properties' na bahagi umano ng kanilang Executive & Legislative Agenda (ELA), kung saan ay nasa ilalim din ng approval ng Sangguniang Panlalawigan ang desisyon ng kanilang tanggapan.
Ayon naman sa pakikipanayam kay G. Ronaldo Jordan, Tax Mapper ng naturang tanggapan, mayroon na umanong mga bayan sa lalawigan na napailalim na sa tax-mapping. Sa kasalukuyan aniya ay nasa kanilang supervision ang pagsasanay at pagsama sa field sa mga municipal assessors ng bayan ng Guinayangan. Idinagdag pa ni G. Jordan na ang susunod naman ay ang bayan ng Tagkawayan, na sasailalim din sa pagsubaybay ng naturang tanggapan. Samantala, ang mga bayan ng Sariaya, Candelaria, Tiaong, Atimonan at Calauag ay nagsagawa na ng tax-mapping, subalit dahilan sa ilang pagbabago sa mga land classifications ng mga bayang ito ay sasailalim uli sila sa panibagong tax-mapping. ANg lahat ng ito ay bilang patuloy na pagpapabilis ng serbisyo ng Tanggapan Panlalawigang Tasador (Provincial Assessor's Office), tungo sa ptuloy na 'effective and efficient' na operasyon para sa mga mamamayan ng lalawigan, kaisa sa adhikain na "Pilipina-Quezon Naman!"
BTUASON/PGO/PIS |
| |
| |
| |
|
|
|