Takbo Kontra Droga


 

2017-11-20

 

 

Matagumpay na isinagawa nitong ika-19 ng Nobyembre ang Color Fun Run & Anti-Illegal Drug Campaign na tinawag na Takbo Kontra Droga sa Pacific Mall grounds, Lucena City. Dinaluhan ng higit 1,000 na mga kalahok mula sa iba’t-ibang parte ng lalawigan ang nasabing aktibidad na isinakatuparan sa pagtutulungan ng pamahalaang panlalawigan sa suporta ni Gob. David C. Suarez. Nakiisa rin sa kaganapan sina Provincial Administrator Romulo Edaño Jr., ilang kapulisan mula sa BJMP at Bukal Ferdinand Talabong. (Quezon-PIO)

 
 
BACK