181 magsasaka, nagsipagtapos sa kurso ng Quezon Agri-Eskwela!


 

2017-11-15

 

 

Kinilala kamakailan sa Kalilayan Hall, Lungsod ng Lucena ang 181 na magsasaka ng mais, palay at gulay mula sa bayan ng Tiaong, Atimonan, Pagbilao, Candelaria at Lungsod ng Tayabas bilang mga nagsipagtapos sa isinagawang Farmers Field School (FFS) o Quezon Agri-Eskwela.

 

Bahagi ng adhikain ni Gob. David Suarez ang mabigyan ang mga magsasaka  sa buong lalawigan ng wastong kaalaman at karanasan tungo sa progresibong pangangalaga ng kanilang lupang taniman hanggang sa produksyon ng mga ito, kung kaya’t inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA) ang Farmers Field School o Quezon Agri-Eskwela na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga ito.

 

Bukod sa sertipiko ay ginawadan din ang mga natatanging mga magsasaka na nagpamalas ng kanilang angking galing at talino sa loob ng kurso ng pag-aaral.

 

Inaasahan naman na madadagdagan pa ang bilang ng mga magsasakang sasailalim sa programa ng pamahalaan tungo sa mas maunlad na kabuhayan sa suporta ng ama  ng lalawigan, Gob. David C. Suarez. (OPA/Quezon-PIO)

 
 
BACK