Niyogyugan Festival 2017: Dog Show


 

2017-08-26

 

 
 
Sa pangunguna ng Provincial Veterinarian’s Office at sa suporta ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez, aktibong nakibahagi sa isinagawang kauna-unahang Dog Show ng lalawigan ang higit 50 pet owners kasama ang kanilang mga aso mula sa Small, Medium, Large at Asong Pinoy na kategorya kaalinsabay sa selebrasyon ng Niyogyugan Festival 2017. Maliban sa fun match at talent show, nagsagawa rin sa nasabing kaganapan ng isang fashion show kung saan ibinida ang mga kasuotang gawa sa niyog na suot ng mga alagang asong nakilahok.  Alinsunod ito sa patuloy na hangarin ng pamahalaang panlalawigan upang maging Rabies-Free ang lalawigan ng Quezon at mas mapagtigbay ang responsableng pet ownership ng mga Quezonian.  (Quezon - PIO)
 
 
BACK