Mga Guro Mula sa Una at Ikatlong Distrito, Nagtipon Para sa Ikalawang Araw ng Quezon Educators’ Research Convention


 

2017-08-25

 

 

Sa patuloy na selebrasyon ng Niyogyugan Festival at pagkilala sa kabayanihan ng mga guro, isinagawa ngayong ika-24 ng Agosto sa Quezon Convention Center ang ikalawang araw ng Quezon Educators’ Research Convention na dinaluhan ng higit 8,000 na mga guro mula sa una at ikatlong distrito ng lalawigan. Pinangunahan ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez kasama si Vice Gov. Samuel Nantes, mga kawani mula sa sektor ng lokal at nasyonal na pamahalaan, mga board members at panauhing tagapagsalita na si Dr. Allan De Guzman mula sa Unibersidad ng Sto. Tomas. 

 

Sa mensahe ni Gob. Suarez, taos-puso niyang pinasalamatan ang mga guro sa kanilang pagdalo at pakikibahagi sa nasabing pagdiriwang. Kaugnay nito ay pinasalamatan din niya ang mga ito sa kanilang dedikasyon sa kanilang trabaho na siyang naging bahagi ng pagkakaroon ng mga matatalino at mahuhusay na Quezonian sa lalawigan kung saan nagpapakita sa kasalukuyan ng kanilang pagiging malikhain sa pamamagitan ng kanilang mga booths sa Niyogyugan Festival.

 

“Once every year, napagsasama natin ang galing at creativity ng mga Quezonians in celebrating Niyogyugan Festival. Everytime we celebrate the richness of Quezon Province tama lang na isabay natin ito sa teacher’s convention. Hindi kami ang rason kung bakit tagumpay ang Niyogyugan Festival, kaya mahuhusay at magagaling ang mga Quezonians because the people behind this are the teachers. Without you, we won’t have this. We’re not only celebrating culture heritage but also celebrating life.” pahayag ng gobernador.

 

Dagdag pa rito ay ipinagmalaki rin ni Gob. Suarez ang isa sa mga programa na malapit sa kanyang puso na higit pang nakatutulong sa pagpapaunlad ng mga kabataan sa lalawigan, ang Quezon’s First 1,000 Days of Life o Q1K. Naniniwala ang gobernador na sa tulong nito at ng mga masisipag na guro ng lalawigan ay siguradong magkakaroon ang Quezon ng mga matatalino, malulusog at mas mahusay na henrasyon ng mga mamamayan.

 

“Sa pamamagitan po ng Q1K, I promise you a generation of Quezonians who are smarter, better, healthier, more productive than the generation that we have today. Mahalaga po ang oras. Ito ang pinakamahala na bagay sa mundo, because once time passes, hindi na natin maibabalik ito. I’m asking you to give time to your students, you control their time and their development. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyo at buong-puso ko pong kinikilala ang inyong kabayanihan.” pagtatapos ni Gob. Suarez. (Quezon – PIO)

 
 
BACK