Investment Forum


 

2017-08-18

 

 

Upang mas mapalawak pa ang sektor ng agrikultura at mas mabigyang suporta ang mga magsasaka sa lalawigan, isinagawa kamakailan sa Bulwagang Kalilayan ang kauna-unahang Agricultural Investment Forum sa lalawigan kasabay ng selebrasyon ng Niyogyugan Festival 2017. Ang naturang gawain ay sa inisyatiba nina Gob. David C. Suarez at ALONA Partylist Representative Anna V. Suarez, pinamahalaan naman ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ang nasabing kaganapan kung saan dumalo rin si Vice Governor Sam Nantes upang pasinayaan ang pagtitipon. Kaugnay nito ay nakatakda namang bigyang pugay at parangal ang mga natatanging manggagawa sa Araw ng Pamilyang Magsasaka sa ika-23 ng Agosto. (Quezon - PIO)

 
 
BACK