MGA NATATANGING QUEZONIAN, PARARANGALAN


 

2017-08-17

 

 
Nakisaya ang Umagang Kay Ganda sa araw ng pagbubukas ng Niyogyugan Festival 2017. Sa suporta ng ama ng lalawigan, Gob. David C. Suarez, kasama ang mga department heads mula sa iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan ay itinampok ang mga nag-gagandahang booths o kubo taglay ang mga produkto na sumisimbolo sa kani-kanilang bayan, kasabay nito ay ang tagisan ng mga kandidata ng Binibining Niyogyugan para sa kanilang Festival Wear Competition gamit ang mga kasuotang gawa sa niyog. 

 

Inaasahan na dadagsain ng libo-libong mga bisita mula sa iba't ibang sulok ng bansa ang kalakhan ng provincial Capitol at Perez park para personal na makisaya at bisitahin ang iba't ibang kubo ng 39 na bayan at 2 lungsod dito sa lalawigan ng Quezon. (Quezon – PIO)

 
 
 
 
BACK