Training of Trainers para sa CDA at ATPs, Isinagawa ng OPA


 

2017-03-17

 

 

sinagawa ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ang Training of Trainers (TOT) para sa Cooperative Development Authority (CDA) at Accredited Training Providers (ATPs) sa Ouan’s The Farm Resort kamakailan kaakibat ang Southern Luzon State University (SLSU) at sa tulong ni Gob. David C. Suarez.

 

Layunin nito na makapaglaan ng sapat na tulong para sa kooperatiba na nagnanais magsagawa ng mga pagsasanay sa maliit lamang na halaga.

 

Masusing inalakay ng mga tagapagsanay angiba’t-ibang paksa ukol sa mga pamamaraan at puntos na dapat isaalang-alang pagdating sa pagsasagawa ng pagsasanay, gaya ng: Education and Training as a Principle of Cooperative, Training Methodology, Delivery and Evaluation, MRP Evaluation, Presentation, Facilitation and Communication Skills, Basic Cooperative at Cooperative Management and Good Governance.

 

Nagsilbing tagapagsanay sina G. Fidel Oblena, Gng. Herminia Babia, G. Ranel Lingahan at Gng. Chona V. Cayabat, mga kinatawan ng Development Cooperative sa SLSU. (OPA Info Unit / Quezon – PIO)

 
 
BACK