Pagpupulong para sa QPGS at Organic Producers sa Quezon, Isinagawa


 

2017-03-17

 

 

inaluhan ng mga opisyales ng organic agriculture associations sa Quezon ang isinagawang pagpupulong para sa Quezon Participatory Guarantee System (QPGS) at organic prducers ng Quezon sa Ouan’s The Farm Resort kamakailan sa pangunguna ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor (OPA) at sa suporta ni Gob. David C. Suarez.

 

Layunin nito na maipakilala ang programa ng QGPS sa mga bagong opisyales ng organic agriculture associations sa lalawigan. Gayundin ay upang maipahayg sa mga miyembro ang kasalukuyang estado nito at ng mga programa ukol sa organikong pamamraan ng pagtatanim.

 

Inilahad ni Gng. Ma. Leonillie Dimalaluan mula sa OPA ang mga programa ng lalawigan ukol sa organic agriculture gaya ng: Quezon Agri-Eskwela at LinkSFarM. Binigyang diin din ni Gng. Carmen Cabling, QPGS Chairperson, ang mga puntos ukol sa mga pamantayan ng lalawigan pagdating sa organikong pagtatanim.

 

Bahagi rin ng programa ang pamamahagi ng mga pataba at iba’t-ibang binhi ng OPV sa bawat opisyales ng asosasyon.

 

Sa huling bahagi ng programa ay nagkaroon ng workshop ukol sa pamamaraan ng pagpaplano at paggawa ng proyekto sa taong 2017. Nahati ito sa dalawang (2) grupo: ang marketing at production. (OPA Info Unit / Quezon – PIO)

 
 
BACK