Eleksyon para sa Pederasyon ng Samahan ng Magniniyog sa Quezon, Isinagawa


 

2017-03-17

 

 

Isinagawa ang pagpupulong ng mga pangulo ng coconut farmers kamakailan sa OPA Conference Hall, Talipan Pagbilao, Quezon sa pangunguna ng Coconut Development Division Chief – Gng. Redempta dR. Querubin. Dinaluhan ito ng labing-apat (14) na pangulo ng iba’t-ibang samahan mula sa Quezon.

 

Layunin nito na makabuo ng Pederasyon ng Samahan ng Magniniyog sa Quezon o PSMQ na magsisilbing pangunahing grupo ng magsasaka ng niyog na makakatulong sa pagpapalakas at pagpapadali ng proseso sa pagbibigay ng proyekto sa samahan. Tinalakay din sa pagpupulong ang mga paraan ng pagpili ng tamang binhi ng niyog upang mas mapaganda ang pagtubo nito.

 

Itinalagang Pangulo ng samahan si G. Eliseo Arpia mula sa CAndelaria at G. Andres Pamplona bilang Pangalawang Pangulo mula sa Unisan. Si Gng. Rosa Magtibay naman mula sa Sariaya ang itinalagang Sekretarya, G. Virgilio Gonzales mula sa Macalelon bilang Ingat-yaman at G. Roberto Auditor mula sa Infanta bilang ikalawang Ingat-yaman. Si G. Rolando Flores naman ang itinalagang Auditor ng grupo.

 

Nagkaroon ng isang kinatwan ang bawat Distrito bilang pampublikong tagapag-ugnay nito, sila ay sina; Gng. Anacorita Manalo mula sa unang Distrito, G. Elmer Cruzat mula sa ikalawang Distrito, G. Felipe Duaso mula sa ikatlong Distrito at G. Efren Gobrador mula sa ika-apat na Distrito. (OPA Info. Unit / Quezon - PIO)

 
 
 
BACK