Quezon Herbal Program, Binisita ng Ramon Magsaysay Awards Foundation


 

2016-02-09

 

 

Binisita kamakailan ng Ramon Magsaysay Awards Foundation sa pangunguna ng presidente nito na si Carmencita Abella ang lalawigan ng Quezon upang tingnan ang estado ng Herbal Program na ipinatutupad ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David "Jay-Jay" C. Suarez.

 

Pinasyalan ng grupo ang iba't ibang herbal plantation tulad ng turmeric plantation sa Brgy. Mamala I sa bayan ng Sariaya at lagundi plantation sa Brgy. Pinagbayanan sa bayan ng Pagbilao.

 

Nagkaroon din ng talakayan sa pangunguna ng gobernador kasama ang ibang grupo tulad ng Southern Luzon States University (SLSU), Quezon Medical Center (QMC), Integrated Provincial Health Office (IPHO), Department of Science and Technology (DOST), Department of Trade and Industry (DTI) at Quezon Herbal Association.

 

Napag-usapan ang posibilidad na pagkakaroon ng partnership sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan at Ramon Magsaysay Awards Foundation tulad ng pagtatayo ng research laboratory na tututok sa paggawa ng iba't ibang produktong gawa sa halamang gamot.

 

Kasama sa grupo na bumisita sina 2009 Ramon Magsaysay Awardee for Public Service Dr. Krisana Kraisintu mula sa bansang Thailand at dating DOH Secretary Dr. Jaime Galvez Tan na tumatayong consultant ng programa.

 

Si Dr. Krisana ay tanyag sa larangan ng paglilingkod hindi lamang sa Thailand gayundin sa iba't ibang bansa tulad ng Africa. Kabilang sa kanyang nagawa ay ang pagtuklas ng kauna-unahang generic anti-retroviral drug para sa HIV/AIDS. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK