Serbisyong Suarez sa Paghahayupan, Patuloy


 

2016-01-29

 

 

Patuloy ang pagpapatupad ng mga programa ng Serbisyong Suarez sa Paghahayupan ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo.

 

Sa nakalipas na mga araw ay nagsagawa ang tanggapan sa pamumuno ni Dra. Flomel Caguicla ng estrus synchronization at artificial insemination on large ruminants sa bayan ng Mauban kung saan 31 kalabaw ang nakinabang.

 

Katuwang ng tanggapan sa naturang programa ang Philippine Carabao Center – UPLB, RAIC at lokal na pamahalaan ng Mauban.

 

Sa kampanya naman laban sa rabies ay patuloy ang isinasagawang libreng pagbabakuna ng mga alagang aso at pusa sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Quezon.

 

Umabot sa 375 aso at 77 pusa ang nabakunahan at nairehistro ng mga kawani ng tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo sa bayan ng San Andres at Candelaria

 

Nagsagawa din ang naturang tanggapan ng information education campaign para sa mga pet owner ng tungkol sa pagiging responsableng tagapag-alaga ng hayop.

 

Bukod dito, nagsagawa din ng deworming sa bayan ng San Andres sa mga alagang aso, pusa, baka, kalabaw at kambing na umabot sa 231.

 

Umabot naman sa 368 na mga alagang aso, pusa, baka, kalabaw, kambing at kabayo ang nabigyan ng bitamina. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK