Meat Inspectors Association sa Quezon, Nagpulong


 

2016-01-26

 

 

Nagsagawa ng unang pagpupulong para ngayong taon ang Meat Inspectors Association sa lalawigan ng Quezon noong Enero 19 – 20, 2016 sa bayan ng San Andres.

 

Ayon kay Dra. Flomel Caguicla, Provincial Veterinarian na isinagawa ang pagpupulong ng mga meat inspector mula sa iba’t ibang bayan sa lalawigan ng Quezon upang mapag-usapan ang mga kasalukuyang kalagayan ng mga slaughterhouse o bahay katayan ng mga hayop sa bawat bayan.

 

Gayundin, mahiling sa bawat lokal na pamahalaan na makapag-sumite ng mga kinakailangang dokumento tungkol sa slaughterhouse ng kani-kanilang mga bayan upang mapag-aralan at makapagbigay ng technical assistance ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo para magkaroon ng improvement ang mga ito.

 

Dagdag pa ni Caguicla na layunin din nito na bumisita sa slaughterhouse ng host na bayan, ang San Andres upang mabigyan ng pag-aaral at kaukulang rekomendasyon upang higit na mapaunlad ang serbisyo at kalidad o pamantayan ng karne na kinukonsumo ng pamayanan.

 

Ang hakbang na ito ng naturang tanggapan ay sa atas ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na siguraduhing malinis at ligtas ang mga karneng kinakatay sa lalawigan ng Quezon, gayundin ang mga karneng pumapasok sa probinsya.

 

Ang pagpupulong na dinaluhan ng labing-anim (16) na meat inspector mula sa apat na distrito ng lalawigan ay pinamumunuan ni Pang. Graniel Cabangon katuwang ang tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo sa pamumuno ni Dra. Flomel Caguicla at Division Head Dr. Adelberto Ambrocio ng Veterinary Regulatory Division. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK