Iba’t Ibang Gamit Pansakahan, Ipinamahagi sa Bondoc Peninsula


 

2016-01-25

 

 

Iba’t ibang gamit pansakahan ang ipinamahagi nina Congresswoman Aleta Suarez at dating Congressman Danilo Suarez sa mga magsasaka ng Bondoc Peninsula o ikatlong distrito ng lalawigan ng Quezon noong ika-24 ng Enero, 2015 sa bayan ng Unisan.
 
Kabilang sa mga ipinamahagi ang ilang binhing pananim, fertilizer, grass cutter, knapsack sprayer, hand tractor at shallow tubewell.
 
Ayon kay Congw. Aleta Suarez, katuwang nila sa pamamahagi ng nasabing mga farm equipment ang Department of Agriculture at bilang suporta na rin sa programa ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa sektor ng agrikultura.
 
Umaasa naman ang dating kongresista na magiging malaking kapakinabangan sa mga magsasaka ang nasabing mga gamit.
 
Samantala, hinimok din ni Suarez ang mga magsasaka na subukan ang cage fishing dahil mas malaki ang kanilang kikitain dito.
 
Libre aniyang ipapamahagi sa kanila ang fingerlings ng pompano, maya-maya, samara, apahap at alimasag.
 
Ipinagmalaki din ni Suarez ang matagumpay na pagpapadami ng fingerlings ng pompano kahi sa kati. (Quezon PIO)

 

 
 
BACK