Baboy at Kambing, Ipinamahagi sa Dolores


 

2016-01-19

 

 

Pinangunahan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang pamamahagi ng labing-pitong (17) baboy at apat (4) na kambing sa ilang benepisaryo ng programa ng Office of the Provincial Veterinarian sa bayan ng Dolores noong ika-18 ng Enero, 2016.

 

Ayon kay Governor Suarez na ang mga ipinamahaging mga baboy ay bilang tulong ng pamahalaang panlalawigan sa mga swine raisers sa Brgy. Pinagdanlayan na naapektuhan ng kumalat na sakit sa mga alagang baboy noong nakaraang taon.

 

Dahil sa mabilis na pag-aksyon ng tanggapan ng Office of the Provincial Veterinarian upang hindi na lumala at kumalat ang epidemya sa nasabing lugar ay pinapurihan ng gobernador si Provincial Veterinarian Dr. Flomel Caguicla.

 

Naging benepisaryo din ng Serbisyong Suarez sa Paghahayupan ang ilang samahan ng magsasaka sa Brgy. Manggahan at Brgy. Bulakin I sa naturang bayan.

 

Lubos ang pasasalamat ng mga nakatanggap na nasabing mga hayop sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon lalo’t higit kay Governor Suarez sa tulong na ibinigay sa kanila.

 

Anila, malaking tulong sa kanilang ikinabubuhay ang mga ito upang makapagsimula muli at mabilis na makabawi sa perwisyong naging dulot ng outbreak. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK