Regional Tea-Governance Conference ng Deped, Isinagawa sa Quezon


 

2016-01-13

 

 

Pinangunahan ng DepEd-Quezon ang 3rd Regional Transparent, Ethical and Accountable (TEA) Governance Conference ng Department of Education (DepEd) CALABARZON sa Quezon Convention Center, Lungsod ng Lucena noong ika-13 ng Enero, 2016.

 

Ang naturang forum/conference ay nilahukan ng mga Schools Division Superintendent, Assistant Schools Division Superintendent, Public Schools District Supervisors, Elementary at Secondary School Heads mula sa limang probinsya sa Region IV-A ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na umabot sa humigit kumulang 2,400.

 

 Ang TEA Governance forum na pinasimulan ni DepEd IV-A Regional Director Diosdado San Antonio noong 2013 ay upang mapalakas ang transparent, ethical at accountable governance hindi lamang sa DepEd Central Office hanggang sa kaibabaan ng school organization.

 

Naniniwala naman si Quezon Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na napakahalaga ng gawaing ito dahil dito pag-uusapan ang mga kailangan upang mas mapaganda pa ang sektor ng edukasyon sa kabila ng mga kinakaharap na mga problema.

 

Sa bahagi ng lalawigan ng Quezon, isa sa tinututukan ni Governor Suarez ang sektor ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga proyekto at programa sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Edukasyon.

 

Kabilang sa mga ito ay ang pagpapagawa ng mga bagong day care center, bagong mga school building sa elementarya at sekondarya, pagpapatupad ng provincewide basic computer education, pagpapatayo ng mga bagong computer laboratory at ang pagkakaroon ng Quezon Science High School na may kauna-unahang Garden of Knowledge.

 

Katuwang naman si dating Schools Division Superintendent at ngayon ay Assistant Regional Director ng DepEd Region 5 Tolentino Aquino ay naitaas ang performance ng division ng Quezon mula sa panglabing-tatlo ay kasalukuyan ay nasa pangpito na at patuloy na gumaganda ang grade point average ng mga mag-aaral sa lalawigan ng Quezon.

 

Ipinagmalaki din ng gobernador na maganda din ang nangyayari sa mga principal dahil simula noong 2012 ng magkaroon ng training at re-training program para sa kanila ay noong nakaraang pagsusulit ng mga principal sa rehiyon ang pinakamaraming nakapasa ay mula sa lalawigan ng Quezon.

 

Binigyan ng pagkilala ni Governor Suarez si Tolentino Aquino, CESO VI sa naging kontribusyon sa edukasyon sa lalawigan ng Quezon na naging Schools Division Superintendent ng DepEd-Quezon noong May 11, 2012 hanggang January 6, 2015.

 

Samantala, tinalakay sa naturang forum ang Nurturing Creativity and Innovation as Critical Competencies in the New World ni Schubert Ceasar Austero, VP for HR Management ng First Abacus Financial Holdings Corp. at Overcoming Challenges in Implementing TEA Governance ni Atty. Alexander Lacson ng Malcolm Law Office.

 

Ang forum na dinaluhan ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro bilang keynote speaker ay may temang “Sustaining DepEd Transformation through TEA Governance.” (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

PHOTO CAPTION:

Iniaabot ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro ang plake ng pasasalamat kay Governor David "Jay-Jay" C. Suarez sa suporta sa Forum on TEA Governance na isinagawa sa lalawigan ng Quezon. Kasama sa larawan sina Regional Director Diosdado San Antonio ng DepEd Region IV-A, Assistant Regional Director Beatriz Torno at Carlito Rocafort, President ng Philippine Association of Schools Superintendent - CALABARZON.

 
 
BACK