Gov. Suarez Nagbalik-Tanaw sa mga Naisakatuparan Noong 2015; Ilang Proyekto at Programa Para sa 2016, Inihayag


 

2016-01-04

 

 

Sa unang araw ng trabaho ngayon taong 2016 sa pamahalaang panlalawigan ng Quezon ay pinangunahan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez kasama ang mga department head at chief of office ang regular Monday flag raising ceremony noong ika-4 ng Enero, 2016.

 

Sa kauna-unahang mensahe ng gobernador ngayong taon ay nagbalik tanaw ito sa mga proyekto at programang naisakatuparan ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

 

“It’s always nice to start the year by looking back in how we did last year at noong 2015 ay masasabi natin na it was a good year for Quezon Province,” pahayag ni Gobernador Suarez.

 

Ayon pa sa gobernador na marami sa mga proyekto at programang inumpisahan simula pa noong 2010 ay namunga at inani na, napasinayaan at nagbigay ng kaunlaran, wastong serbisyo at pagbabago sa lalawigan ng Quezon.

 

Kabilang dito, noong 2015 naisagawa ang kauna-unahang pagtatapos ng mga mag-aaral sa Quezon Science High School, napasinayaan ang bagong Claro M. Recto District Hospital sa bayan ng Infanta, nasaksihan ang mas masaya, mas makulay at mas engrandeng selebrasyon ng Niyogyugan Festival.

 

Noong 2015 din ibinaba ang paglilingkod sa mga pamilyang Quezonian na tunay na pinahahalagahan ng gobernador, sinimulan ang programang Q1K, mas pinalakas ang Provincial Nutrition Campaign na naibaba na sa mga munisipalidad na nangangailangan nito.

 

“We are targeting to address malnutrition and hopefully ang target ng buong nutrition team sa pamumuno ni Obet Gajo na from 11% ay mapababa pa ng single digit this year na malaking hamon sa atin,” dagdag pa ng gobernador.

 

Samantala, inihayag ng gobernador ang mga programa at proyektong nakatakdang ipatupad ngayong taon tulad ng isasagawang kauna-unahang Buntis Congress sa lalawigan ng Quezon sa buwan ng Pebrero.

 

Ngayong taon ding ito ayon sa gobernador tutugunan ang mga karagdagang school building, computer laboratory, partnership sa Southern Luzon State University (SLSU) upang makapagpatayo ng full SLSU campus sa bahagi Bondoc Peninsula partikular sa bayan ng Catanauan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK