Ram Pump at Iba Pang Agri Inputs, Ipinagkaloob


 

2015-12-10

 

 

Pinagkalooban ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni Roberto Gajo ang samahan ng Luntiang Kabukiran sa Maunlad na Buhay ng isang unit ng ram pump noong December 9, 2015.

 

Ang samahan na mula sa Quezon Vegetable Industry Council (QVIC) na matatagpuan sa bayan ng Buenavista ay isa sa mga samahan ng mga magsasaka sa lalawigan na nagsusulong ng organikong pagtatanim ng gulay.

 

Layunin ng pagkakaloob ng ram pump ay upang matulungan ang samahan o maging ibang organisasyon na malayo o kakaunti ang pinagkukunan sa patubig sa kanilang taniman. Gayundin, makatulong sa paghahayupan, fishpond o maging sa pang-araw-araw na gawain pang bahay tulad ng paglalaba.

 

Ang naturang pump ay walang gastos para sa langis at kuryente at ligtas sa polusyon sa kapaligiran.

 

Bukod sa pump ay ipinagkaloob din sa naturang samahan ang tatlong unit ng knapsack sprayer at iba’t ibang uri ng vegetable seeds.

 

Lubos naman ang pasasalamat ng samahan at ni Mayor Remedios Uri sa pamahalaang panlalawigan lalo’t higit kay Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sapagkat sila ang kauna-unahang nakatanggap ng nasabing ram pump.

 

Ang turn-over ay dinaluhan din ni Reynette Loayon, Pangulo ng Municipal Vegetable Growers; Ma. Leonillie Dimalaluan, Chief Support Facilities; Realiza Salazar, Coordinator ng QVIC at Arlina Reyes. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA Info. & Training Unit)

 
 
BACK