Value Chain Analysis: Herbal Production at Processing, Isinagawa


 

2015-12-09

 

 

Sa patuloy na pagpapa-unlad ng proyektong Halamang Gamot o Herbal Program sa lalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa pagsubaybay ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ay isinagawa kamakailan ang pagsasanay sa Value Chain Analysis ng Herbal Production at Processing sa Queen Margaret Hotel, Lungsod ng Lucena.

 

Ang pagsasanay na tumagal ng tatlong araw ay nilahukan ng mga kasapi ng iba’t ibang asosasyon at kooperatiba sa lalawigan ng Quezon na nagpoproseso ng mga produktong herbal at kawani ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pangunguna ni Provincial Herbal Program Coordinator Walter Dapla.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na ang pagsasanay ay upang matulungan ang mga nagpoproseso at nagnenegosyo ng herbal processed products sa pagpapa-angat o pagpapa-unlad ng kanilang mga negosyo.

 

Itinuro sa kanila simula sa produksyon ng raw materials, sa pagpoproseso ng mga produkto, sa packaging hanggang sa retailing.

 

Natalakay din dito ang ilang mga herbal na produkto na dapat mai-prioritize sa lalawigan tulad ng mga herbal teas, herbal soaps, coco suka, herbal wines, herbal candies at mga ready to drink herbal juices.

 

Tinalakay din ang mga priority issues ng bawat sector na dapat masolusyunan pagdating sa herbal production and processing sa pamamagitan ng binuong Quezon Herbal Association na babalangkas ng mga proyekto at gawain.

 

Nagsagawa din ng mga aktibidad tulad ng Basic Value Chain, Mapping, Market Mapping and Analysis at Strategic/Plan of Action Formulation na pinangunahan ni Mercado DR. Noscal bilang tagapagsalita at tagapagsanay. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK