Seminar Tungkol sa Quezon Native Pig Production at Processing, Isinagawa


 

2015-11-24

 

 

Dumalo sa isinagawang dalawang araw na seminar tungkol sa Quezon native pig production at processing ang limampung (50) livestock farmer at rural improvement club mula sa bayan ng Lopez noong November 18 – 19, 2015 sa Municipal Hall ng naturang bayan.

 

Ang seminar ay magkatuwang na proyekto ng Office of the Provincial Veterinarian at Bureau of Animal Industry sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Lopez.

 

Ayon kay Dr. Flomel Caguicla, Provincial Veterinarian na layunin nito na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kalahok ng tungkol sa pag-aalaga ng native o katutubong baboy sa lalawigan ng Quezon.

 

Gayundin, upang magkaroon ng alternatibong pagkakakitaan ang mga magsasaka lalo’t higit ang mga kababaihan sapagkat ito ay madaling alagaan.

 

Ayon pa kay Caguicla na ang pagpapaunlad ng industriya ng native pig sa lalawigan ng Quezon ay isinusulong ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez simula pa noong 2013 sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Paghahayupan.  

 

Sa kasalukuyan ang lalawigan ng Quezon partikular ang ikatlo at ikaapat na distrito ang mga pinagmumulan ngayon ng mga native na baboy na dinadala sa kamaynilaan para gawing litson.

 

Kabilang sa mga tinalakay sa naturang seminar ang Disease Management and Biosecurity Measures; Breeds, Breeding and Selection Housing, Feeds and Feeding ni Jennifer Lindo-Chua, Head ng Livestock and Poultry Dev’t Division; Management of Sow, Piglets and Growers, Record Keeping ni Alfredo Lafuente; Hands-on Demo on Meat Processing ni Ma. Bella Castro, Head ng Technology Transfer and Extension Division kasama sina Sharon Macatangay, Jhody-Ner Alpajora at Marilou Daya. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK