Mga Kawani ng Pamahalaang Panlalawigan, Sumailalim sa Random Drug Testing


 

2015-11-23

 

 

Sumailalim sa randon drug testing ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon pagkatapos ng isinagawang regular Monday flag raising ceremony noong November 23, 2015 sa Quezon Convention Center.

 

Ang drug testing ay pinangunahan ng lahat ng pinuno ng bawat tanggapan ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Provincial Administrator Rommel Edaño.

 

Ayon kay Edaño, ito ay upang ipakita ang isandaang porsyentong (100%) pakikiisa sa adbokasiya ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez upang labanan ang ipinagbabawal na gamot.

 

Dagdag pa ni Edaño na upang ipakita ang masidhing pagnanais ng gobernador na mapuksa ang iligal na droga sa lalawigan ay kailangang magsimula ito sa sariling bakuran, ang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan.

 

Ayon pa sa administrador na sa nakalipas na tatlong linggo ay halos natapos nang sumailalim sa random drug testing ang mga district/medicare hospital sa buong lalawigan ng Quezon.

 

Pagkatapos ng flag raising ceremony, isa-isang tinawag ang mga pangalan ng mga kawani ng bawat tanggapan na sasailalim sa drug testing.

 

Ayon kay Dr. Henry Buzar, Provincial Human Resource and Management Officer, ang mga kawaning magpopositibo sa drug test ay sasailalim sa confirmatory test na sarili nang gastos ng kawaning magpopositibo.

 

Ayon pa kay Buzar na dadaan sa tamang proseso ang lahat ng mga kawaning magpopositibo bago mabigyan ng kaparusahan na maaaring humantong sa pagkakatanggal sa trabaho.

 

Matatandaan na ipinahayag ni Governor Suarez ang matinding paglaban sa ipinagbabawal na gamot sa buong lalawigan ng Quezon at sa nakalipas na Governor’s Cup ang isa sa naging requirements sa mga manlalaro ay ang drug test.(Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK