Herbal Production and Processing Investment Forum, Isinagawa


 

2015-11-17

 

 

Sa patuloy na pag-usad ng herbal program sa lalawigan ng Quezon, dalawandaan at limampung (250) participants mula sa iba’t ibang bayan ang dumalo sa isinagawang Herbal Production and Processing Investment Forum noong November 13, 2015 sa Queen Margarette Downtown, Lungsod ng Lucena.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Panlalawigang Agrikultor na layunin ng nasabing forum na matuto ang mga maliliit na samahan ng mga magsasaka na magkaroon ng tama at mga naaayon na pag-proseso ng mga halaman gamot na maaring maging lunas, ligtas at tipid para sa mga mamamayan.

 

Gayundin, upang matutong maging negosyante at tangkilikin ang sariling produkto mula sa lalawigan ng Quezon.

 

Naging tagapagsalita sa naturang forum si Dr. Jaime Galvez-Tan, dating kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) at consultant ng Quezon Herbal Program na nagtalakay ng iba’t ibang mga halamang gamot na magiging alternatibo para sa mga malalayo sa kabayanan.

 

Ipinaliwanag naman ni Dr. Isidro Sia, Director-General ng Philippine Institute of Traditional Health and Alternative Health Care (PITAHC) ang sampung (10) DOH Approved Medicinal Plants.

 

Tinalakay naman ni Dr. Rainier Villanueva, President ng Chamber of Herbal Industries of the Philippines (CHIP) ang kasalukuyang kalagayan ng Herbal Industry sa bansa.

 

Nagbigay naman ng updates para sa Starting a Small Herbal Processing Business si Luis Cervantes Jr., President ng Lady K Tooling and Gen. Merchandise.

 

Ipinaliwanag naman ni Dr. Estela Taño, Technical Consultant GRO ng Green Retail Organic Association Inc. ang nakapaloob sa Future of Oregano at Based Product/Major Consideration in Herbal Processing at Medardo Noscal, consultant on product development ng programa ay tinalakay ang business opportunities in herbal processing sa lalawigan.

 

Ang Quezon Herbal Program na “Pagyamanin AGamitin Ang Sariling Atin” ay programa ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador David “Jay-Jay” C. Suarez sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura sa pagsubaybay ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor.

 

Ang nasabing investment forum ay naging matagumpay sa pagsubaybay ni Walter Dapla, Coordinator ng Quezon Herbal Program at pagdala ni Executive Assistant III Matt Erwin Florido bilang kinatawan ng gobernador. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA Info. & Training Unit)

 
 
BACK