120 Corn Farmers, Nagtapos sa Radyo Eskwela


 

2015-11-12

 

 

Isandaan at dalawampung (120) magtatanim ng mais mula sa bayan ng Pagbilao, lungsod ng Tayabas at Lucena ang nagtapos sa Radyo Eskwela: Butil Kaalaman sa Pagmamaisan noong ika-10 ng Nobyembre, 2015 sa Ouans Worth Farm Resort, Lungsod ng Lucena.

 

Ang radyo eskwela ay magkatuwang na programa ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor, Agricultural Training Institute (ATI) Region 4A at Department of Agriculture Field Regional Office 4A.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na layunin ng naturang programa na makapagbigay ng kaalaman sa mga magsasaka at lalong mapaunlad ang pagmamaisan sa lalawigan na isa sa binibigyag prayoridad ni Gobernador David “Jay-Jay” C. Suarez sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura.

 

Ang radyo eskwela ay isang pamamaraan na higit pang makakatulong sa mga magsasakang Quezonian sa pamamagitan ng pakikinig sa radyo. Tinuruan din sila dito ng mga kaalaman para maging negosyanteng magsasaka.

 

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga nagtapos na magsasaka sapagkat ito ang kanilang magiging panimula sa larangan ng pagmamaisan.

 

Ang programa ay pinamunuan nina School-On-the-Air (SOA) Focal Person ATI Mariel Dayanghirang, Provincial Corn Coordinator Anna Pamela DO Agudilla at tanggapan ng panlalawigang agrikultor. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA Info. & Training Unit)

 
 
BACK