56 Kooperatiba sa Quezon, Tumanggap ng Tulong Pinansyal


 

2015-11-10

 

 

Sa pagsisikap ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na mapalakas ang mga kooperatiba sa buong lalawigan ng Quezon ay patuloy ang pagkakaloob nito sa pamamagitan ng Provincial Cooperative Development Office (PCDO) ng tulong pinansyal sa iba’t ibang kooperatiba.

 

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba at ika-100 taon ng Coop Movement sa bansa noong ika-9 ng Nobyembre, 2015 sa Quezon Convention Center, Lungsod ng Lucena ay limampu’t anim (56) na kooperatiba sa buong lalawigan ng Quezon ang nabigyan ng tulong pinansyal ng gobernador.

 

Ayon kay Gobernador Suarez noong nakaraang taon ay umabot lamang sa pitong daang libong piso (P700,000.00) ang taunang alokasyon ng pamahalaang panlalawigan para sa mga kooperatiba sa lalawigan.

 

Ngunit ayon sa gobernador na simula ng magtalaga siya ng Provincial Cooperative Development Officer sa katauhan ni Provincial Agriculturist Roberto Gajo at napakinggan ang boses ng iba’t ibang kooperatiba ay noong ginagawa ang budget ng pamahalaang panlalawigan para sa taong 2015 ay naging limang milyon piso (P5M) mula sa P700,000 na alokasyon para sa mga kooperatiba.

 

Idinagdag pa ng gobernador na ang naturang limang milyong piso ay phase 1 pa lamang sapagkat noong nag-supplemental budget 1 ay pinadagdagan ng gobernador ng limang milyon piso pa ang alokasyon para sa mga kooperatiba na ngayon ay may kabuuang sampung milyong piso (P10M).

 

Ang mga kooperatibang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaang panlalawigan ay Quezon Federation and Union of Cooperatives (Lucena) na nagkakahalaga ng P200,000.00; Quezon Travel and Tours Cooperative (Lucena), Yakap at Halik MPC Quezon II (Padre Burgos) at New Gumaca Woodcraft MPC tumanggap ng P150,000.00.

 

Tumanggap naman ng halagang P100,000.00 ang Binonoan Producers Cooperative (Infanta), Northern Quezon College Cooperative (Infanta), Pagbilao Teachers and Employees MPC, Polilio Banadero-Libjo ARC MPC, Patnanungan Goodwill Savings and Credit Cooperative, ARB’s Agricultural Lessees of Panukulan Credit Cooperative, Candelaria MPC, Candelaria Municipal Hospital Employees MPC, St. Isidore Mangilag Community MPC (Candelaria), SAMAKABA MPC (Dolores), Sta. Lucia MPC (Dolores), Yakap at Halik MPC Quezon I (Dolores), Talim Farmers MPC (Lucena), Del Valle MPC (San Antonio), Alay Kapwa Rural Women and Men MPC (Sariaya), Palcon Dairy MPC (Sariaya), Agdangan Agrarian Reform Community Cooperative, Buklod ng Buhay ARC MPC (Buenavista), Catanauan Credit and Development Cooperative, Quezon Power MPC (Pitogo), San Narciso Development Cooperative, Alabat MPC, Alabat St. Vincent MPC, Atimonan Transport Service MPC, Our Lady of the Angels MPC (Atimonan), Patnubay Savings and Credit Cooperative (Atimonan), Vibabi Pagasa Farmers Credit Cooperative (Gumaca), Lopez Vendors MPC, Massco Farmers Marketing Cooperative (Lopez), Vaopdras Van Transport and Service Cooperative (Lopez) at Banal na Krus Kooperatiba sa Pag-unlad (Quezon).

 

Ang mga tumanggap naman ng P50,000.00 ay Lucban Builders Cooperative, Cagsiay-1 MPC (Mauban), Kababaihan ng Binahaan MPC (Pagbilao), Maunlad MPC (Candelaria), Hawak Kamay Consumers Cooperative (Lucena), Buenas Small Coconut Farmer Consumer Cooperative (Buenavista), Immaculate Marketing Cooperative (Catanauan), Calauag Small Coconut MPC, Calauag St. Vincent MPC, Cassandro MPC (Macalelon), Samahan ng Magsasakang Nagkakaisa ng Cambuga MPC (Mulanay), Padre Burgos Teachers MPC, Ang Bagong Pitogo Credit Cooperative, Pitogo District Teachers MPC, Pitogo MPC, San Andres Farmers Development Cooperative, Cawayan II Farmers MPC (San Francisco), Unisan Agrarian Reform Community MPC, Samahang Nagbubuklod sa Pag-Unlad Consumers Cooperative (Perez), Talisay Farmers MPC (San Andres) at Tagkawayan Vendors MPC.

 

Ang programang ito na co-enhance ng Provincial Cooperative Development Office para sa lahat ng kooperatiba sa buong lalawigan ng Quezon ay ipinatutupad sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Kooperatiba ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA Info. Unit)

 
 
BACK