Quezon, Ginawaran ng Parangal sa MalacaƱan [Press Release]


 

2011-05-24 20:25:27

 

 

Ginawaran ng plake ng pagkilala ni Pangulong Benigno S. Aquino III, kasama si Kalihim Proceso J. Alcala ang Lalawigan ng Quezon sa ginanap na “ Gawad Saka Awarding Ceremony” noong ika- 23 ng Mayo 2011 sa Bulwagan ng Rizal Hall, Malacañan Palace, Manila.

Kasama ang ama ng Lalawigan, Gobernador David “ Jayjay” C. Suarez at Panlalawigan Agrikultor G. Roberto D. Gajo, tinanggap nila ang pagkilala bilang Outstanding Provincial Agricultural and Fishery Council (QPAFC) sa pangunguna ni G. James Argosino-Chairman at G. Ramon Grimaldo bilang Oustanding Fisherman (Capture) ng buong Pilipinas.

Ang nasabing pagdiriwang ay pagbibigay ng parangal sa mga natatanging magsasaka sa taunang pagdaraos ng “ Farmer’s and Fisherfolks Month” na pinangunahan ng Kagarawan ng Pagsasaka. Ito ay may temang “ Sa Agri- Pinoy, Asenso’y Tuloy-tuloy”.

Tumanggap ng halagang P 250,000.00 halaga ng proyekto ng QPAFC at si. G. Grimaldo naman ay tumanggap ng P100,000.00, Presidential Citation at Presidential Trophy.

Sa mensahe ng Pangulong Aquino, sinabi niya na ikinararangal niya ang mga magsasaka na tumanggap ng mga pagkilala at karangalan sa Gawad Saka 2009-2010. Sila ang mga tunay na bayani na nangunguna at makatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa lalo na sa usaping produksyon ng pagkain. Ang kanilang pagwawagi ay daan upang lalong maging masigasig sila sa pagpapatuloy ng kaunlaran hindi lang sa pang agrikultura kundi pang ekonomiya.

 Dumalo din sa nasabing parangal sina G. Jerome A. Red- OIC-Asssistant Provincial Agriculturist, G. Ramon Querubin- Chief Fishery Division, Gng. Redempta Dr. Querubin, Provincial AFC Coordinator / Chief Coconut Division, at Gng.Cristina J. Lucila- Information and Training Officer/ Gawad Saka Focal Person. (OPA-Information and Training Unit)

Itinala ni:

CRISTINA J. LUCILA
ACC II/Information and Training Officer

Batid ni:

ROBERTO D. GAJO
Provincial Agriculturist

 

 
 
BACK