Lalawigan ng Quezon, Muling Pinarangalan sa Regional Gawad Saka


 

2015-10-30

 

 

Nakamit ng lalawigan ng Quezon ang apat (4) na parangal sa ginanap na Regional Gawad Saka Awarding Ceremony sa Convention Center, Sta. Cruz, Laguna noong October 29, 2015.

 

Ginawaran para sa indibidwal na parangal si Carmen Cabling mula sa bayan ng Sariaya bilang Outstanding Organic Farmer.

 

Para naman sa group category, pinarangalan ng Outstanding Municipal Fishery and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) ang bayan ng Infanta, Quezon, samahan ng Ibabang Palsabangon sa bayan ng Pagbilao bilang Outstanding Rural Improvement Club (RIC) at Quezon Agricultural Farmers Multi-Purpose Cooperative ng Pagbilao bilang Outstanding Small Farmers Organization.

 

Nominado din sa national category ang Ibabang Palsabangon RIC ng Pagbilao at MFARMC ng Infanta, Quezon.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na ang tagumpay na ito ay patunay lamang na ramdam ng mga mangingisda at magsasaka ang suporta ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez.

 

Ito din aniya ay bunga ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na matulungan ang mga magsasaka at mangingisda, maging samahan man ito ng mga kababaihan sa kanayunan.

 

Ayon pa Gajo na ang mga pinarangalan ay nagpamalas din ng malaking kontribusyon para sa pagpapa-unlad sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Quezon.

 

Ginawaran din ng pagkilala bilang Gawad Saka Focal Person si Cristina Lucila mula sa Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor at sina Ma. Leonillie Dimalaluan, Teresita Canlas at Estrella Martinez bilang mga Provincial Coordinator ng mga nasabing mga kategorya.

 

Gayundin, ang mga municipal mayor, municipal agriculturist at mga municipal technologist ng bawat bayan na sumuporta upang maging matagumpay ang programang ito.

 

Ito ay taunang paggagawad ng parangal para sa mga natatanging magsasaka at mangingisda sa Gawad Saka Search for Agricultural Achievers na ngayong taon ay may temang “Magsasaka’t Mangingisda Magdiwang at Magsaya, Kaunlaran ng Bayan Abot Kamay Na!”

 

Sa lalawigan ng Quezon, isa sa tinututukan ng administrasyon ni Governor Suarez ang sektor ng agrikultura sa ilalim ng programang Serbisyong Suarez sa Agrikultura upang mapanatili ang maayos na suplay ng mga produktong pang-agrikultura at maiangat ang antas ng sektor ng agrikultura sa lalawigan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA Info. Unit)

 
 
BACK