Lalawigan ng Quezon, Binigyan ng Pagkilala


 

2015-10-08

 

 

Binigyan ng pagkilala ng Fisheries Division ng Naval Forces Southern Luzon, Southern Tagalog Region ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon kaugnay ng 13th Foundation Anniversary Celebration ng Headquarters Naval Forces Southern Luzon, Naval Station Julhasan Arasain, Rawis, Legaspi City noong ika-6 ng Oktubre, 2015.

 

Ito ay bilang pagkilala sa masigasig na suporta ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa pangangalaga sa karagatan at masigasig na pagpapatupad ng mga batas upang masugpo ang Anti-Illegal Fishing Operations sa karagatang sakop ng lalawigan.

 

Ayon kay Vice Admiral Caesar Taccad, Flag Officer in Command ng Philippine Navy na naging panauhing tagapagsalita na binibigyan ng parangal o pagkilala ang sino man na nagpapatupad ng batas pangisdaan at paglaban sa mga gumagawa ng iligal na pangingisda sa kanilang mga nasasakupang probinsya.

 

Ang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor Suarez at sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor sa pamumuno ni Roberto Gajo ay patuloy na nagpapatupad ng mga programa at proyekto sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Pangisdaan upang maiwasan ang mga iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng lalawigan.

 

Ang pagkilala ay tinanggap ni Allan Castillo, Aquaculturist II bilang kinatawan ni Ramon Querubin ang Provincial Fisheries Coordinator.

 

Bukod sa pamahalaang panlalawigan, tumanggap din ng pagkilala ang East West Seed Philippines, Office of the Provincial Agriculturist Albay at Junior Chamber International Daraga, Alabay. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA Info. Unit)

 
 
BACK