Quezon, Wagi Bilang Regional Outstanding Organic Small Farmer


 

2015-01-02

 

 

Isang magsasaka mula sa bayan ng Pagbilao ang tinanghal na Regional Outstanding Organic Small Farmer sa katatapos na Regional Organic Agriculture Congress noong ika-30 ng Setyembre, 2015 sa Queen Margarette Hotel, Lungsod ng Lucena.

 

Ang nagwaging magsasaka ay si Ricardo Salumbides ng Pagbilao. Quezon na bukod sa plake ng pagkilala ay tumanggap din ng halagang limampung libong piso (P50,000.00).

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na isang karangalan sa lalawigan ng Quezon na maitanghal na regional winner at nagpapatunay lamang na suportado ng pamahalaang panlalawigan partikular ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa pamamagitan ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura ang programang Organic Agriculture.

 

Layunin ng naturang programa na palaganapin ang ligtas na pagkain at pag-iwas sa paggamit ng synthetic fertilizers at chemical na pesticides upang makaiwas sa nakakalasong kemikal at maging sariwa at malinis ang kapaligiran.

 

Ang lalawigan ng Quezon ang isa sa mga lalawigan sa bansa na nagsasagawa ng nasabing programa sa pagsuporta ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor.

 

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Salumbides kay Governor Suarez at Gajo sa ginawang pag-iindorso at pagkakataon na gawing kinatawan ng lalawigan ng Quezon sa nasabing patimpalak. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA-Info. & Training Unit)

 
 
BACK