AGRI INPUTS, Ipinamahagi sa Bayan ng Infanta at General Nakar


 

2015-09-21

 

 

Personal na ipinamahagi ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang iba’t ibang agricultural inputs sa iba’t ibang samahan ng mga magsasaka sa bayan ng Infanta at General Nakar noong September 17, 2015.

 

Kabilang sa mga ipinamahagi ng gobernador sa naturang mga bayan ang 170 bags ng certified palay seeds, limang (5) unit ng knapsack sprayer at iba’t ibang uri ng binhing gulay na pananim.

 

Ayon kay Provincial Agriculturist Roberto Gajo, layunin ng pamamahagi ng mga agri inputs ay upang matulungan ang mga magsasaka na lalo pang umangat sa larangan ng pagpapalayan at mapataas ang produksyon ng kanilang produkto.

 

Ipinagbigay-alam naman ni Governor Suarez na sa susunod na taon ay nakalinya na ang bayan ng Infanta at General Nakar para sa pagbibigay ng Post Harvest Facilities.

 

Nagpaabot ng pasasalamat sina Mayor Rodante Potes ng Infanta at Leovigildo Ruzol ng General Nakar sa pamahalaang panlalawigan tulong na ipinagkaloob para sa mga magsasaka ng kanilang bayan.

 

Ang lalawigan ng Quezon ang may pinakamalawak na taniman ng palay sa buong CALABARZON kung kaya’t dito din nagmumula ang mga natatanging magsasaka sa larangan ng pagtatanim ng palay.

 

Ang pagpapalayan ang isa sa mga pinagkukunan ng pagkakakitaan o hanap-buhay ng karamihang Quezonian kaya naman ang Serbisyong Suarez sa Agrikultura ni Governor Suarez sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ay patuloy ang pagkakaloob tulong sa naturang sektor. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA Info. & Training Unit)

 
 
BACK