Ika-Limang Water Filtration Facility sa Bondoc Peninsula, Binuksan


 

2015-09-21

 

 

Pinangunahan nina Governor David "Jay-Jay" C. Suarez at former Minority Floor Leader Danilo Suarez kasama sina Mayor Nelson Traje at opisyal ng bayan ang pagbubukas ng level II water supply with water filtration facility sa bayan ng Macalelon.

 

Libre na ang malinis na tubig inumin para sa nakararaming mamamayan ng Macalelon pagkatapos na pasinayaan at buksan ang ikalimang water filtration facility sa ikatlong distrito sa bayan ng Macalelon noong September 19, 2015.

 

Naniniwala si Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na importante ang may malinis na naiinom na tubig lalo na ang mga kabataan dahil dito nakasalalay ang kanilang kalusugan.

 

Giit ng gobernador na isa sa apat na bata sa lalawigan ang may problema sa kalusugan o malnourished dahil sa iniinum nilang tubig.

 

Ayon pa sa gobernador at dating Congressman Danilo Suarez  karapatan ng bawat isa na uminom ng tubig at higit sa lahat dapat ito ay malinis.

 

Ang water filtration center ay libre sa lahat at ito ang magiging kaagapay ng komunidad tungo sa zero percent water-borne diseases program ng pamahalaang panlalawigan.

 

Ayon naman sa dating mambabatas ang proyekto ay tripartite assistance program sa pamamagitan ng pagtutulungan ng district office, local government unit sa pamamagitan ng bayan ng Macalelon at ng pamahalaang panlalawigan.

 

Ang maintenance ng pasilidad ay sagot ng tanggapan ni Congresswoman Aleta Suarez, ang sweldo ng mga tao ay babayaran naman ng lokal na pamahalaan ng Macalelon at ang magbabayad naman ng kuryente ay ang probinsiya.

 

Pakiusap naman ni Congresswoman Suarez sa mamamayan ng nasabing bayan na huwag abusuhin ang programa na ibinibigay sa kanila ng libre kapalit ng water coupon.

 

Malaki naman ang naging pasasalamat ni Mayor Nelson Traje sa naturang proyekto dahil sa kabila ng hindi nito kapartido ang gobernador at ang mambabatas ay nabibiyayaan sila ng mga programa mula sa serbisyong suarez.

 

Sa katunayan naipangako na sa kanila ng gobernador ang pagsasaayos ng kanilang covered court na nagkakahalaga ng sampung milyong piso.

 

Pagkatapos ng pagbubukas ng water filtration facility sa nabanggit na bayan ay pinasinayaan naman ang bagong day care center sa Barangay Otso sa bayan ng General Luna na pinangunahan nina Congresswoman Aleta Suarez at dating Minority Floor Leader Danilo Suarez. (Quezon PIO)

Pinasinayaan nina 3rd District Congresswoman Aleta Suarez at former Minority Floor Leader Danilo Suarez ang bagong day care center sa Barangay 8 sa bayan ng General Luna. 

 
 
BACK