Outstanding City/Municipal GFPS sa Quezon, Pinarangalan


 

2015-09-14

 

 

Pinarangalan ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa pamamagitan ng Provincial Gender and Development Office (PGAD) ang mga Outstanding City/Municipal GAD Focal Point System (GFPS) sa lalawigan ng Quezon sa noong October 15, 2014.

 

Tinanghal sa kategoryang 1st Class Municipality bilang Outstanding CGFPS ang lungsod ng Tayabas, sa 3rd Class Municipality bilang Outstanding MGFPS ang bayan ng San Narciso, 4th Class Municipality bilang Outstanding MGFPS ang bayan ng Panukulan at 5th Class Municipality bilang Outstanding MGFPS ay ang bayan ng Sampaloc.

 

Hinirang na 1st runner-up sa 1st class municipality ang bayan ng General Nakar at 4th class municipality ang bayan ng Unisan, 2nd runner-up ang bayan ng Gumaca, 3rd runner-up ang bayan ng Real, 4th runner-up ang bayan ng Pagbilao at 5th runner-up ang bayan ng Candelaria.

 

Binigyang parangal din ang mga bayan na best GAD implementer sa iba’t ibang kategorya tulad ng bayan ng General Nakar na Best GAD Implementer on Women Economic Empowerment (WEE) Initiatives (Alternative Medicines), Extra Mile Award ay ipinagkaloob sa lungsod ng Tayabas, Best GAD Implementer on Migration and Development ang bayan ng Candelaria, Best GAD Implementer on Environmental Management ang bayan ng Gumaca, Best GAD Implementer in Coastal Management ang bayan ng Real at Best GAD Implementer in Health Services Innovations ang bayan ng Pagbilao.

 

Ayon kay Ofelia Palayan, pinuno ng Provincial Gender and Development (PGAD), layunin ng pagkakaloob ng parangal ay upang mabigyang pagkilala ang mga bayan o lungsod sa lalawigan na matagumpay na nagpapatupad ng mga programa at proyektong may kaugnayan sa gender and development na patuloy na tinututukan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez katuwang ang Unang Ginang Anna Villaraza-Suarez.

 

Buong pagmamalaki ding ipinahayag ni Palayan ang pagiging GAD Local Learning Hub ng lalawigan ng Quezon na kinilala ng Philippine Commission on Women kung saan marami nang mga bayan at probinsya ang pumapasyal sa Quezon upang magkaroon ng mga karagdagang kaalaman sa pagpapatupad ng GAD sa kani-kanilang mga nasasakupan.

 

Ang paggagawad ng plake ay pinangunahan nina Provincial Administrator Rommel Edaño bilang kinatawan ng gobernador, Bokal Rodora Tan at Ofelia Palayan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 

Photo Caption:

Personal na tinanggap ni Mayor Roger Postor ng Panukulan ang parangal bilang Outstanding Municipal Gender and Development Focal Point System mula sa pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan nina Provincial Administrator Rommel Edaño, PGAD Head Ofelia Palayan at Board Member Rodora Tan.

 
 
BACK