Kooperatiba sa Quezon, Sumailalim sa Pagsasanay


 

2015-09-14

 

 

Sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay tungkol sa Cooperative Strategic Development Planning ang labingwalong (18) kooperatiba mula sa unang distrito ng sa lalawigan ng Quezon noong September 9 -11, 2015 sa Ouans Worth Farm Resort sa lungsod ng Lucena.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na ang naturang pagsasanay ay isa sa mga mandatory training na itinakda ng Cooperative Development Authority (CDA) para sa lahat ng kooperatiba.

 

Dagdag pa ni Gajo na ito ay binigyang pansin ng Serbisyong Suarez sa Kooperatiba na pangunahing binibigyan ng suporta ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez.

 

Ayon pa kay Gajo na layunin nito na magkaroon ng kakayahan ang mga kasapi at opisyal ng kooperatiba sa Quezon at matulungan ang mga kooperatiba upang makapagbalangkas ng epektibong pangmatagalang plano sa aspeto ng pagnenegosyo at pamamahala ng kanilang samahan o organisasyon.

 

Tinalakay sa naturang pagsasanay ang Need for Strategic Planning, Analyzing Performance of the Cooperative, Strategic Option and Strategies, Developing Strategic Plan at Monitoring the Implementation of Strategic Plan.

 

Ito ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng Department of Agrarian Reform (DAR) - I sa pangunguna ni Leonila Conrado, Municipal Agrarian Reform Officer at Jayson Castillo na nagsilbing mga tagapagsanay.

 

Ang lalawigan ng Quezon ay isa sa may pinakamalaking kooperatiba sa buong rehiyon ng CALABARZON na may kabuuang kasapi ng 145,887 mula sa iba’t ibang hanay ng kooperatiba sa Quezon.

 

Ang programang Serbisyong Suarez sa Kooperatiba ay binubuo ng tatlong banner program na kinabibilingan ng Co-Assist na kinapapalooban ng pagbibigay ng pagsasanay, Co-Enhance na pagkakaloob ng tulong pangkabuhayan sa bawat kasapi at Co-Access na transaksyon na gawain mula sa database at website. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA Info Unit)

 
 
BACK