Mga Natatanging Quezonian na Nagbigay Karangalan sa Lalawigan, Kinilala sa SOPA


 

2015-08-25

 

 

Kinilala at pinasalamatan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa kanyang ika-limang State of the Province Address noong ika-24 ng Agosto, 2015 sa Quezon Convention Center ang mga Quezonian na naging matagumpay sa kani-kanilang mga larangan at tumanggap ng iba’t ibang pagkilala at parangal ngayong taon.

 

Una na dito ang walong Quezon Medalya ng Karangalan Awardee ngayong taon na sina Dr. Doracie Zoleta-Nantes, Ret. Brig. General Edgardo Abenina, Atty. Vitaliano Aguirre II, Dr. Adelia Roadilla, Maria Adeline Lee, Dr. Gloria Ching, Dr. Juanito Merle na tinanghal din na Most Outstanding Teacher for 2014 ng Metro Bank Foundation Inc., PSWDO Sonia Leyson na ginawaran din ng pagkilala bilang Natatanging Propesyonal ng Philippine Professional Regulation Commission for 2014.

 

Tumanggap naman ng Natatanging Gawad si Levita Ronna Ilao sa nakamit niyang bronze medal sa nakaraang Southeast Asian Games.

 

Hinirang naman na Best Implementer ng School Based Management ang Alabat Island National High School sa pangunguna ni Dr. Feliza Quevada at tumanggap ng Gawad Patnugot Award si Elizabeth de Villa ng DepEd.

 

Nakamit naman ng Quezon Provincial Police Office sa pamumuno ni Provincial Director P/SSupt. Ronnie Ilagan ang Silver Eagle Award sa Performance Governance Service Awards ng PNP at Gold Eagle Award naman ang nakamit ng Alabat Municipal Police Station.

 

Humakot din ng parangal ang mga magsasaka sa Regional Gawad Saka Awards kabilang ang Binahaan Farmers Multi-Purpose Cooperative na Outstanding Small Farmers Organization mula sa Pagbilao, Outstanding Organic Farmer mula sa Sariaya si Carmen Cabling, Outstanding Small Fisherfolks Organization ang MFARMC Infanta at Palsabangon RIC na Outstanding Rural Improvement Club mula sa bayan ng Pagbilao.

 

“Kayo po ang nagsisilbing inspirasyon sa aming mga kababayan kaya sa inyo pong lahat, maraming, maraming salamat,” pasasalamat ng gobernador. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK