Preventive Side ng Health Care Program, Pagtutuunan ng Pansin


 

2015-08-25

 

 

Inihayag ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa kanyang ika-limang State of the Province Address noong ika-24 ng Agosto, 2015 sa Quezon Convention Center ang mga programang ipatutupad sa preventive side ng health care program ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon.

 

Sa kabila ng pagbaba ng malnutrition prevalence rate ng lalawigan simula sa 17.92% noong 2010 at 11.14% sa taong kasalukuyan ay nagbigay ng direktiba ang gobernador sa Provincial Nutrition Action Office na mapababa pa ito sa single digit next year.

 

Ayon kay Governor Suarez, magagawa ito sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng supplementary feeding program ng DSWD para sa mga day care children at sa loob ng apat na taon ay umabot na sa 155,378 ang batang natulungan.

 

Binuo din ang Barangay Nutrition Scholars na noong nakaraang taon ay 475 lamang ngunit ngayong taon ay mayroon ng 1,242 BNS na kumakatawan sa lahat ng barangay sa lalawigan.

 

Sa ilalim pa din ng Provincial Nutrition Program, ipinatupad ang Nutri Combo Pack sa lalawigan na binubuo ng apat na sangkap: Complementary Feeding, Supplementary Feeding, Programang Pangkabuhayan at Gulayan sa Bakuran.

 

Ayon pa sa gobernador na mayroon ng na-identify na tatlong libong (3,000) pamilya na higit na nangangailangan dahil ayon sa pag-aaral ay napakataas ng antas ng malnutrition sa kanilang pamilya at sinimulan ito sa isla ng Jomalig.

 

Samantala, kaulam ng naturang programa ang Quezon Herbal Program kung saan pino-promote ang paggamit at pagpapalaganap ng halamang gamot.

 

Sa kasalukuyan, napakalawak na ng mga taniman ng iba’t ibang klase ng halamang gamot sa lalawigan tulad ng siling labuyo, luyang dilaw, tanglad, malunggay, tarragon, luya at marami pang iba.

 

Upang tiyakin naman na may merkadong mapupuntahan ang naturang mga produkto ay itatayo angn Food and Herbal Processing Center ng pamahalaang panlalawigan.

 

“Nakakaakit nap o tayo ng maraming investors, investors who are inquiring about herbs grown in Quezon Province, companies eager to find out where these plantations are,” pahayag pa ng gobernador.

 

Inaasahan naman na sa February 2016 ay mai-inagurahan na ang Quezon Herbal Pavilion na itinatayo sa Quezon National Park sa bayan ng Atimonan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK