Iba’t Ibang Donasyon, Tinanggap ng Quezon Medical Center


 

2015-08-21

 

 

Tumanggap ng iba’t ibang donasyon mula sa pribadong sektor ang Quezon Medical Center sa isinagawang turn-over ceremony na pinangunahan ni Governor David Jay-Jay” C. Suarez noong August 19, 2015 kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-137 taong kapanganakan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon.

 

Ipinagkaloob ng Rotary Club of Lucena Central sa pamumuno ni Dr. Cesar Guinto sa naturang pampublikong pagamutan ang 15 hospital bed na magagamit ng OB-Gyn ward.

 

Ipinangako din ng Rotary Club of Lucena Central ang pagpapaayos ng 2nd floor lobby ng naturang ospital.

 

Ang Quezon (Tayabas) Association Inc. sa pamumuno ni Danilo “Junjun” Suarez at Quezon Association Foundation Inc. sa pamamagitan ni Zenaida Lopez de Asis ay nagkaloob ng inisyal na 35 hospital bed para sa maternity ward ng ospital.

 

Ipinangako din nila ang pagsasaayos ng OB-Gyn ward at bukod sa mga karagdagang pang mga hospital bed ay magbibigay din sila ng stretcher at wheel chair.

 

Pinangunahan naman ng Pagbilao Energy Corporation sa pamamagitan ni Froilan Romualdez III, Head ng External Affairs ang turn-over ng ipinagawang Pediatric Ward ng ospital na nasira ng bagyong Glenda.

 

Ayon kay Governor Suarez napakalaking tulong ng karagdagang kama na ipinagkaloob sa QMC sapagkat hindi lingid sa kaalaman ng lahat na umaabot sa mahigit anim na daan ang pasyente ng ospital kabila ng mayroon lamang itong 200 bed capacity at kahit anong tulong na ibinibigay sa naturang ospital ay tinatanggap ng buong puso.

 

Nagpahayag din ng pasasalamat ang gobernador sa naturang mga samahan at kumpanya na katuwang ng pamahalaang panlalawigan upang mapaganda at maging maayos ang serbisyo ng pagamutan.

 

Ipinangako naman ng mga ito na patuloy silang tutulong at magiging ka-partner ng pamahalaan panlalawigan para sa kapakanan ng mga mamamayan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK