Quezon Medical Center, Napagkalooban ng Iba’t Ibang Proyekto


 

2015-08-21

 

 

Iba’t ibang proyekto ang ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa Quezon Medical Center noong August 19, 2015 kaugnay ng pagdiriwang ng ika-137 taong kapanganakan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon.

 

Nauna dito ang groundbreaking ceremony ng ipako-kontretong circumferential road ng pamahalaang panlalawigan sa paligid ng naturang pampublikong pagamutan.

 

Binasbasan naman ang bagong gawang covered walk mula emergency room papuntang QMC Annex Bldg. ng ospital.

 

Gayundin, binasbasan din at pinasinayaan ang bagong Pay Annex o Pay Ward na nasa ikalawang palapag na gusali ng QMC Annex.

 

Ang naturang pay ward ay may dalawampu’t anim (26) na silid (18 single bedroom, 8 double bed) na may kabuuang tatlumpu’t apat (34) na kama at pitong (7) intensive care unit (ICU) room.

 

Ang naturang mga silid na ikinamangha ng mga nakakita ay fully air-conditioned, may sofa set, dining table set, refrigerator, television at sariling CR.

 

Samantala, ayon kay Governor Suarez na para masiguro na nagagawa ng maayos ang mga responsibilidad ng mga kawani ng ospital ay magkakaroon ng pagkakaloob ng Hermano Puli Service Award para sa medical staff at personnel.

 

Ayon sa gobernador na hermano puli service award ang naisip na maaaring ipagkaloob ay dahil si Puli bukod sa pagiging bayani ng lalawigan ng Quezon ay nagtrabaho sa isang ospital.

 

Umaasa si Governor Suarez na magiging inspirasyon ng lahat ng kawani ng naturang pampublikong pagamutan si Hermano Puli sa paglilingkod at pagbibigay ng maayos na serbisyo sa kanilang mga pasyente.

 

Ayon pa sa gobernador na ng mga mapagkakalooban ng naturang award ay makakatanggap ng komendasyon, medalya at cash incentive. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK