Natatanging Anak ng Lalawigan ng Quezon, Pinarangalan


 

2015-08-20

 

 

Pinganunahan ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang pagbibigay ng parangal sa mga natatanging anak ng lalawigan ng Quezon sa isinagawang Gawad Parangal ng Quezon Medalya ng Karangalan 2015 kaugnay ng pagdiriwang ng ika-137 taong kaarawan ng dating Pangulong Manuel Luis Quezon noong ika-19 ng Agosto, 2015 sa Queen Margarette Hotel, Lungsod ng Lucena.

 

Kabilang sa mga pinarangalan ay sina Doracie Zoleta-Nantes, Ph. D. mula sa bayan ng Lucban (Science and Technology), BrigGen Edgardo Abenina (Ret) mula sa bayan ng Tiaong (Military Service), Atty. Vitaliano Aguirre mula sa bayan ng Mulanay (Law), Sonia Leyson, RSW mula sa bayan ng Lopez (Government Service), Adelia Roadilla, Ph. D. mula sa bayan ng Mulanay (Education-School Administration), Juanito Merle, Ed. D. mula sa bayan ng Pagbilao (Education-School Research-based Instruction), Maria Adeline Lee mula sa bayan ng Lopez (Education-School Administration) at Gloria Ching, Ed. D. mula sa bayan ng Pitogo (Education-School Governance).

 

Pinagkalooban naman ng Tanging Gawad si Levita Ronna Ilao mula sa bayan ng Sariaya sa larangan ng Sports (taekwondo).

 

Ayon kay Governor Suarez, ang mga nagkamit ng pagkilala na ito ay nagpapakita hindi lamang ng kanilang bukod-tanging kahusayan at integridad sa mga napiling propesyon, ipinamalas din nila ang mga kapitapitagang katangian ni Pangulong Manuel Luis Quezon.

 

Ayon pa sa gobernador na ang Quezon Medalya ng Karangalan ang pinakamataas at prestihiyosong parangal na maaaring ipagkaloob ng lalawigan ng Quezon sa mga natatanging mga Quezon.

 

At umaasa si Governor Suarez na magsisilbing inspirasyon ang naturang parangal para sa mga susunod na henerasyon na tularan ang mga kahanga-hangang ginagawa ng mga pinarangalan.

 

Pinasalamatan din ng gobernador ang bumubuo ng Lupon ng Gawad Parangal 2015 sa pamumuno ni Atty. Vicente Joyas sa isinagawang masusing pagsusuri sa mga nominado sa QMK ngayong taon.


Samantala, naging panauhing pandangal sa paggagawad ng medalya ng karangalan ang dating kalihim ng Kagawaran ng Enerhiya na si Carlos Jericho Petilla. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK