Ika-137 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Quezon, Ipinagdiwang


 

2015-08-20

 

 

Pinangunahan nina Former Energy Secretary Carlos Jericho Petilla, Governor David “Jay-Jay” C. Suarez at Col. Roderick Parayno, 201st Brigade Infantry Battalion Commander ang pagbibigay pugay kay dating Pangulong Manuel Luis Quezon sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa monumento nito kaugnay ng pagdiriwang  ng ika-137 taong anibersaryo ng kapanganakan ni Quezon noong ika-19 ng Agosto 2015.

 

Ayon kay Governor Suarez, taun-taon ay ipinagdiriwang ng buong lalawigan ng Quezon ang araw ng kapanganakan ni Dating Pangulong Quezon upang magbigay pugay at kilalanin ang kanyang kadakilaan, ang mga inambag niya sa ating bansa at sa ating lalawigan.

 

Sa naging pananalita naman ni dating kalihim Petilla na ang Quezon Day ay ipinagdiriwang hindi lamang bilang gunitain si Pang. Quezon kung hindi dahil nais nating ipaalala at ituro sa mga kabataan ang kasaysayang pinagmulan ng lalawigan.

 

Ayon pa kay Petilla na bago tayo mag-move forward ay kailangan nating tumingin sa nakaraan.

 

“Hindi tayo pwedeng mag-move forward kung hindi lilingon sa pinanggalingan natin, we have to know who we are and we have to be proud,” dagdag pa ni Petilla.

 

At sa pag-moving forward naman ayon kay Petilla ay kailangang huwag isipin ang sarili at mag-isip ng higit sa kasalukuyang henerasyon sa kapakinabangan ng mga kabataan at mga batang hindi pa isinisilang.

 

Samantala, nag-alay ng din bulaklak sa monumento ni Pangulong Quezon ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang nasyonal at lokal kabilang ang pulisya at hukbong sandatang lakas (AFP-SOLCOM), mga paaralan, mga pribadong samahan, mga non-government organization, mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK