Family Fun Run, Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon


 

2015-08-16

 

 

Tinatayang aabot sa tatlong libong Quezonian ang nakiisa sa isinagawang fun run ng pamahalaang panlalawigan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Niyogyugan Festival 2015 noong August 16, 2015 sa Capitol Compound, Lungsod ng Lucena.

 

Ang fun run na tinawag na Live Life Family Fun Run ay proyekto ng Quezon Provincial Anti-Drug Abuse Council sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez na pinangasiwaan ng Provincial Sports Office at Provincial Budget Office sa pamumuno ni Diego Salas.

 

Bukod sa pagpo-promote ng malusog na pangangatawan, layunin din ng naturang fun run na maiiwas ang miyembro ng pamilya at mga kabataan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa pamamagitan ng sama-samang pagtakbo ng buong pamilya at mga magkakaibigan.

 

Sa 2K Family Category ay nakamit ng Vital Family ang unang pwesto at tumanggap ng P5,000.00, ikawalang pwesto ang Japor Family na tumanggap ng P3,000.00 at Magabo Family sa ikatlong pwesto na tumanggap ng P2,000.00.

 

Sa 3K Couple Category, unang nakarating sa finish line sina Patrick Roales at Alyssa Tamayo na tumanggap ng P5,000.00, ikalawa sina Jewel Llenas at Jeremiah Roales na tumanggap ng P3,000.00 at ikatlo sina Arvin at Eva Abairo na tumanggap ng P2,000.00.


Sa 5K Individual Category naman ay nakamit ni Ruel Suazo ang unang pwesto na tumanggap ng P5,000.00, ikalawa si Aldrin Agyang na tumanggap ng P3,000.00 at Jeffrey Añonuevo sa ikatlong pwesto na tumanggap ng P2,000.00.

 

Nakiisa sa pagtakbo ang pamilya ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Provincial Administrator Rommel Edaño, pamilya ng kapulisan, pamilya ng kasundaluhan, pamilya ng Mt. Carmel Diocesan General Hospital, pamilya ng Sscred Heart College, pamilya ng Quezon Science High School at iba’t ibang pamilya at civic organization sa lungsod ng Lucena at mga karatig-bayan. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK