Pagsasanay sa Organikong Pagsasaka at Organic Livestock, Isinagawa


 

2015-08-05

 

 

Tatlumpung poultry at livestock producer mula sa Lucban, Pagbilao, Sariaya, Candelaria, Pitogo, lungsod ng Tayabas at Lucena ang sumailalim sa dalawang araw na pagsasanay sa Organikong Pagsasaka at Organikong Livestock noong July 29 – 30, 2015 sa OPA Conference Hall, Talipan, Pagbilao, Quezon.

 

Ang pagsasanay na ipinagkaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez sa ilalim ng Serbisyong Suarez sa Agrikultura sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor ay bilang tugon sa kahilingan ng mga poultry at livestock producers na nais mag-apply para sa sertipikasyon ng Quezon Participatory Guarantee System (PGS) at nais magtungo sa Organic Livestock Production.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na binigyan diin sa pagsasanay na ito ang apat na prinsipyo ng organikong pagsasaka ang fair, care, environment, wellness of consumer upang gawing batayan at higit na maunawaan ang kahalagahan ng organikong pagsasaka.

 

Ang Quezon PGS ang kauna-unahan at nag-iisa sa lalawigan na nagbibigay ng garantiya sa Oragnikong Pagsasaka at may pangunahing layunin na palakasin ang small-scale organic stakeholders sa pagpapanatili ng integridad at kalidad ng mga organikong produkto.

 

Ang lalawigan ng Quezon ay kilala bilang isa sa may pinakamalaking lupain sa larangan ng Agrikultura sa buong CALABARZON kaya naman patuloy na pinalalakas ang sector ng agrikultura sa lalawigan sa pamumuno ni Governor Suarez.  (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA Info. Unit)

 
 
BACK