Koponan ng Lucena, Kampeon sa 6th Governors Cup Inter-Town Basketball Tournament


 

2015-07-30

 

 

Tinanghal na kampeon ang koponan ng Lungsod ng Lucena na Beware Bagong Lucena sa katatapos lamang na ika-anim na taon ng Governor David “Jay-Jay” Suarez Cup Inter-Town Basketball Tournament noong July 29, 2015 sa Quezon Convention Center, Lucena City.

 

Nagkaharap sa matinding championship game ang koponan ng Lucena at San Antonio na natapos sa score na 79-71 na napagwagian ng Lucena na nasaksihan ng libo-libong Quezonian at napuno ang naturang convention center.

 

Pinangunahan ni Governor Suarez ang paggagawad ng tropeyo, medalya at cash prize sa mga manlalarong nagwagi.

 

Ang koponan ng Lucena ay tumanggap ng halagang P100,000.00 bilang kampeon, koponan ng San Antonio ay P75,000.00 bilang ikalawang pwesto at koponan ng Sariaya na ikatlong pwesto ay tumanggap ng P50,000.00.

 

Bukod sa halagang isandaang libong piso na ibinigay sa koponan ng Lucena, ay matatanggap naman ng pamahalaang panlungsod ng Lucena ang isang bagong gymnasium na ipagagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon na ipinangako ng gobernador sa mananalong koponan.

 

Matatandaan na bukod sa naturang halagang papremyo ay tumanggap na ang mga kalahok na koponan ng tulong pinansyal mula sa pamahalaang panlalawigan ng P100,000 bawat koponan at karagdagang P50,000 sa mga nakapasok sa mga sumunod na round.

 

Samantala, tinanghal na Most Valuable Player (MVP) si Alvin Viernes mula sa Lucena at isa rin sa mythical five kasama sina Willy Caiña, Topeng Lagrama, Joel Solis at Vortek Boyles. (Reygan Mantilla-Quezon PIO)

 
 
BACK