Pagpapasiglang muli ng Industriya ng Niyog sa Quezon, Sinimulan na


 

2015-07-23

 

 

Sinimulan na nang pamahalaang panlalawigan ng Quezon sa pangunguna ni Governor David “Jay-Jay” C. Suarez ang pagsasagawa ng Quezon Province Coconut Industry Strategic Development Plan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultor.

 

Ayon kay Roberto Gajo, Provincial Agriculturist na layunin ng nabanggit na pagpaplano ang maisaayos ang industriya ng niyog para sa kapakinabangan ng mga magsasaka at iba pang kalahok sa industriya upang higit na mapag-ibayo ang rural industrialization at magkaroon ng isang maunlad na social enterprise.

 

May mga isasagawang Focus Group Discussion (FGD) sa apat na distrito ng lalawigan na may itinakdang petsa at lugar na pagdarausan ng nasabing pagpaplano.

 

Kaugnay nito, nagsagawa ang District 1 Cluster 2 na binubuo ng bayan ng Lucban, Mauban, Sampaloc, Tayabas at Pagbilao na FGD sa Office of the Provincial Agriculturist (OPA) Hall sa Brgy. Talipan, Pagbilao, Quezon noong July 21, 2015.

 

Sa ginanap na FGD dumalo ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Komitiba ng Agrikultura, Pambayang Agrikultor, kinatawan mula sa Samahan ng Magniniyog at Coconut by Products Producers.

 

Samantala, sa nasabing pagpaplano ay mayroong mga resource speakers / independent consultants mula sa University of the Philippines at Ateneo de Naga na sina Prof. Reynaldo Almenario, Prof. Dominador Mondragon at Prof. Ben Raneses.

 

Ang nasabing pagpaplano ay sa pagsubaybay ni Redempta Querubin, Supervising Agriculturist ng OPA Coconut Development Division. (Reygan Mantilla-Quezon PIO/OPA Info. Unit)

 
 
BACK